XELLONIA POV LUMAKAD na rin ako palabas ng bahay nina Master Santi and Master Vill, buhat ko ang toga na nasa hanger pa, para hindi malukot, at maging ang aking bag. Sino kaya ang maghahatid sa akin sa campus? Paglabas ko ay napahinto ako, napatingin ako sa aking harapan nang makitang may nakahintong sasakyan sa mismong tapat ng main door nila Masters. Sinundan ko ang tingin hanggang makita si Master Santi nakasandal sa kotse habang si Master Vill ay nasa tabi niya at may hawak na sunglasses, nakangisi. Napakurap ako sa aking nakita, pero agad na lumingon sa paligid para hanapin ang maghahatid sa akin sa campus pero wala ng ibang tao roon, except sa kanilang dalawa. “Sino pa ang hinahanap mo, Miss Xellonia?” tanong ni Master Santi sa akin. Tinignan ko siya at napaatras ako nang ma

