01: Heaven & Cris
Heaven's POV
Pagka-alis ni Clint ay napunta ang atensyon ko kay Cris na nakatingin na pala sa akin mula sa kanilang lamesa. Agad ko syang tinaasan ng kilay bago irapan at tumingin sa nasa harapan ko na si Selene na naka tingin pala kay Mike na nakatingin din pala sa kanya.
Anyare naman sa dalawang to?
Hindi ko alam ang nangyari pero base sa nakikita ko kay Selene ay patungkol ito kay Hirein at Clint ang dahilan kung bakit sila nag-away?....O nagtampuhan?
Luh! Wala pa namang sila,LQ kaagad!
Hindi kona iyon pinansin at itinuon ko nalang ang aking pansin sa aking kinakain pero bago ko pa maisubo ang kutsara at naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko kaya naman ay kinuha ko ito at tinignan kung sino ang laspatangan na istorbo sa pagkain ko.
LenLen:
Punta ka dito sa classroom.
May sasabihin ako sayo.
Agad na tumaas ang kilay ko bago magreply sa text nya.
Heaven:
Bakit dyan pa?
Pede naman dito
sa text...
Ilang saglit pa ay agad na syang nagreply.
Bilis ah!Halatang walang ka-text!HAHA!
LenLen:
Basta!Punta ka
nalang dito.ASAP!
Kahit wala akong ideya sa sasabihin nya ay agad akong nagreply.
Me:
Sige.
Nakakapagtaka lang na nagtext sa akin si LenLen.Ang President ng aming section na pinapasukan namin ni Sunny at Selene.
Hindi naman kami close ni LenLen pero kung makapag text sya ay akala nya ay sobrang close namin.At isa pa,saan naman nya nakuha ang number ko?Wala akong pinagbibigyan ng number ko maliban lang sa mga kaibigan ko at kay Cris.
Speaking of Cris,ayun nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sya sa akin kaya naman medyo may ilang akong nararamdaman pero mas lamang yung kilig!
Lantod mo,Heaven!Wag kang ngumiti! Mahahalata ka nyan e!
SA totoo non ay hindi naman talaga ako— kami galit sa kanila pero ang sabi ni ZZ3 ay maggalit-galitan daw kami sa kanila para daw matest namin kung susuyuin daw nila kami.Pero ang mga gago,isang linggo na kaming naggagalit-galitan pero kahit isa sa kanila ay wala pang sumusuyo sa amin. Except kay Clint na mukhang susuyuin na si Hirein.
Huhuhuhuhu!Naol!
At dahil may katangahan nanaman na pumasok sa utak ko ay may naisip akong kalokohan para suyuin ako ni Cris.
Agad akong ngumiti sa cellphone ko at kunwari na nagtatype ako,Kunwari may katext or kachat.Agad naman iyon na napansin ni Selene na Kunot noong nakatingin sa akin.
"Mukha kang tanga, Heaven" puna sakin ni Selene dahilan para mapatingin ako sa kanya habang nakangiti.
"Bakit naman?" Pigil ang ngiting tanong ko.Napatingin na rin sakin si Sunny na nagtataka saming dalawa ni Selene.
Lutang nanaman tong isang to!
"Nakangiti ka kasi habang nakatingin dyan sa cellphone mo.Ang creepy" Kunot noong sabi nya.Napangiti naman ako sa kanya ng malaki.
"Ano ba kasing dahilan ng pagngiti mo?" Takang tanong ni Sunny.Bumaling ako sa kanya habang nakangiti.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago hawiin ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko,inilagay ko iyon sa likod ng tenga ko.
Tinignan ko silang dalawa bago ngumiti.
Ipinakita ang screen ng cellphone ko. Agad naman silang tumango-tango bago ngumiti at magkatinginan.
"Kuha nyo?" Mahinang tanong ko.
Kaya ko Ipinakita sa kanila ang cellphone ko ay dahil ipinabasa ko sa kanila ang plano ko na agad naman nilang nakuha.
Sumakay kayo sa plano ko.Kunwari may idedate ako mamaya
"Aray" malakas akong pinalo ni Sunny sa aking braso dahilan para dumaing ako. Nakanguso ko syang binalingan ng tingin bago hinimas-himas ang aking braso.
"Ihhhhhh! Kinikilig ako!" Sabi nito habang nakahawak pa sa magkabila nyang pisngi.
"Bakit naman?" Kunot noong tanong ko. Pinipigilan ang pagsilay ng ngiti.
"Ihhh,kasi naman!Nabasa ko sa cellpho
ne mo,makikipag date ka doon sa SSG President sa kabilang school" kilig na kilig na sabi nito.Napangiti naman ako.
Hindi nga ako nagkamali dahil nakuha namin ang atensyon ni Cris na panigurado na sakin ito nakatingin. Nakangiti lang ako sa kanila habang kung ano-anong pinag-uusapan sa date 'daw' namin ng SSG President ng kabilang school.
"Hay nako,Heaven.Bagay na bagay kayo ni Luke." Sabi pa ni Selene bago ako tapunan ng table napkin.Gusto ko syang sabunutan ngayon pero wag na baka mahalata kami.
"Of course! Nasa kanya na ang lahat,ako nalang ang kulang.Ahihihihi!" Kinikilig kong sabi habang hinahampas ng mahina ang braso ni Sunny.
Ramdam ko ang sama ng tingin sakin ni Cris dahilan para ganahan akong asarin sya.
Tignan natin kung hindi mo pa ako asarin na kupal ka!
"At alam nyo ba kung ano ang sinabi nya sakin na nakapag pa excited sakin lalo?"
Ngiting ngiti kong tanong.
"Ano?Ano?"
"Ano yon?Bilis"
"Yung ano....Yung ano....Alam nyo na yun" ngiting ngiting sabi ko.Agad naman nangunot ang noo nila dahilan para mapabusangot ako.
"Ano?" Sabay nilang tanong habang nakangiti.
Bahagya muna akong lumunok bago magsalita.
Luke my friend! Sorry nagamit pa kita! Huhu
"s*x" sabi ko habang walang lumalabas na boses sa bibig ko.Agad na nanlaki ang mata nila habang nakatingin sa akin.
"For real?!" Gulat na tanong nila.Kagat labi naman akong tumango-tango.
Sorry talaga,Luke!
Alam kong kahit hindi narinig ni Cris ang sinabi ko ay alam ko naman na nabasa nya ang bawat buka ng bibig ko.
Natigil lang sa pag-iingay yung dalawa ng senyasan ko sila na tahimik. May nagtext.
LenLen:
Nasaan kana?Kanina
pa ako naghihintay
sayo dito.
Napangiwi ako ng mabasa ang text ni LenLen,nakalimutan ko na pupuntahan ko nga pala sya.
LenLen:
Punta ka nalang sa
storage room. Kuha
ka ng bagong walis
at dustpan.
Agad akong napabusangot ng mabasa ko ang kasunod nyang text.Nakakainis!
Agad kong inayos ang aking mga gamit bago isakbit sa aking balikat.Napatingin naman sakin yung dalawa.
"Punta lang akong storage room.May ipinakukuha lang sakin si LenLen" nakanguso kong sabi sa kanila.
"Buti nga!" Sabay na sabi nung dalawa bago tumawa at mag-apir.Lalo naman akong napabusangot.
Ang sama nila!
"Sabunot kayo mamaya sakin na dalawa " pagbabanta ko sa kanilang dalawa bago umalis.Narinig ko pa ang nakakainis nilang halakhak na dalawa.
Sira ulo!
—
STORAGE ROOM
"Asan na yun" sabi ko sa sarili ko habang buklat ng buklat sa mga lagayan ng walis tambo at dustpan.
Kanina pa ako naghahanap dito pero wala akong makita kahit isa.
"Waaaa—Cris?" Agad akong napasigaw ng may humablot sa braso ko at pagtingin ko ay si Cris lang pala.Walang emosyon syang nakatingin sa akin."Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.Hindi nya ako pinansin at walang emosyon nanakatingin sa akin.
Kita ko sa mata nya ang galit ngunit nananatiling walang emosyon ang kanyang mukha.
Maggalit-galitan kayo para suyuin kayo!
Biglang pumasok sa isipan ko yung sinabi sa amin ni ZZ3 doon sa group chat namin nila Hirein.
Taas noo akong tumingin sa walang emosyon na si Cris bago bawiin ang aking braso na hawak hawak nya.
"Excuse me,I need to go" sabi ko bago tumalikod sa kanya at pairap na inalis ang tingin sa kanya.
"Heaven" bigla akong napatigil sa aking paglalakad ng marinig ko ang boses nito. Napangiti ako.
Wag ka munang ngumiti!Mabubuking ka!
Nanatili parin akong nakatalikod bago magsalita.Wag kang kabahan,kaya mo yan!
"Bakit?" Taas noo kong tanong ko kahit nakatalikod naman sya sakin.
"Look forward at me" malamig nitong sabi.
"Ayoko nga.Ayokong makita ang pangit mong pagmumukha" taas noo kong sabi.
"I said look forward at me" matigas at madiin nitong sabi dahilan para mapakag-
at ako sa ibabang labi ko.
Tatagan mo lang girl!
Wala sa sarili akong humarap sa kanya. Taas kilay kong Hinarap ang gwapong pagmumukha ni Cris baby ko.
"Bakit ba, best friend ?" Nakangiti kong tanong at pinagkadiinan pa ang salitang 'best friend' yun naman kasi ang totoo e. Kaibigan lang ang turing nya sa akin.
"Are you mad at me?" Seryosong tanong nito.
Galit nga ba ako sa kanya?
Wala namang dahilan para magalit ako sa kanya pero nung nireject nya ako tungkol sa nararamdaman ko sa kanya parang bigla nalang akong nagalit sa kanya dahil ako ang lagi nyang kasama pero yung ex nya yung lagi nyang ikinekwento sakin.
Lagi nyang ipinagmamalaki sa harapan ko kung gaano kasweet yung ex girlfriend nya. Dahil sa mga kinukwento nya about sa ex nya piling ko hindi ako deserve para kay Cris dahil ang taas taas nya at ang hirap nyang abutin.
Gusto kona sya nung unang kita ko palang sa kanya at ngayon na napatunayan ko na sa sarili ko na mahal kona sya....
May pagkakataon kaya na pwede na rin nya akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya?
Naalala ko nanaman yung sinabi nya sa akin nung gabing nagtapat ako sa kanya.
"I'm sorry,Heaven....Pero ang tingin ko lang sayo ay isang kaibigan" tuluyan ng naglandas ang aking luha pero mabilis ko itong pinunasan.
"But why?"
"I still like Mika"
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa non,lagi akong wala sa sarili ng mga nagdaang araw hanggang sa nakausap ko si ZZ3 through video call.
Wala namang dahilan para magalit ka sa kanya.Hindi mo na kasalanan na mahal nya parin ang ex girlfriend nya..Oo,binigay at ipinaramdam mona sa kanya ang lahat pero kahit anong gawin mo,kung mahal nya parin ang ex girlfriend nya...Mahal nya parin... Wala ka naman magagawa doon dahil Minahal nya iyon kesa sayo na Best Friend lang ang Turing sayo.
Tama.Tama si ZZ3. Walang kasalanan si Cris kung mahal nya parin ang ex girlfriend nya.
Anong Laban ko don?Sya yung ex girlfriend tapos isa lang naman akong best friend.
Walang Kasalanan si Cris. Yun ang tama, Kaya Heaven sagutin mona ang tanong nya.
"Wala namang dahilan para magalit ako sayo diba? Best friend" Nakangiti kong sabi pero nandon ang pait sa boses ko.
Hold your tears,Heaven.
"I thought your mad at me" sabi nya sabay buntong hininga.
"No.no.no.Don't say that.I'm not mad at you"
"If your not mad at me,why are you avoiding me?" Natigilan ako sa tanong. "It just what I said last night?Na gusto ko parin si Mika"
"Kung ano man ang dahilan ko ng pag-iwas sayo,...wala kana don... At wag mo ng maisingit ang ex girlfriend sa usapan nato dahil wala syang kinalaman dito"
Siguro nagkabilaukan nayon si Mika dahil pinag-uusapan namin sya.
Natahimik naman si Cris. Napatingin naman ako sa wrist watch ko.Fuck!Kanina pa nagsisimula ang klase ko!
Bumaling ako kay Cris."Sorry but I need to go na.....May date pa ako"nagulat sya sa sinabi ko at kahit ako ay nagulat rin.Kaya bago pa nya makita ang reaksyon ko ay agad na akong tumalikod.
"Babb" Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko at mabilis akong hinila.Nang tumama ang katawan ko sa may pader ay may dalawang braso ang pumulupot sa katawan ko.
Tsaka ko lang napagtanto na hindi pala ako sa pader tumama dahil sa katawan pala iyon ni Cris at yakap yakap nya ako ngayon!
"C-cris" pangalan nya lang ang lumabas sa aking bibig dahil I'm still shock!Ramdam ko ang hininga nya sa ibabaw ng ulo ko.
"Iiwan mo talaga ako para pesteng Luke na yon?" May halong inis sa kanyang boses. Agad naman akong nagtaka.
"Ha?Ano bang sinasabi mo?"
"I love you" agad na nagtaasan ang aking balahibo sa kanyang sinabi.
E-ene dew?
"A-ano bang sinasabi mo?" Sabi ko at nagpeke pa ng tawa pero may halong harot.
Pinilit kong humiwalay sa pagkakayakap nya pero lalo namang nyang hinihigpitan ang pagkakayakap sakin dahilan para makagat ko ang pang ibabang labi ko.
Ihhhhhh!Sige,Cris!Yakapin mo pa ako!
"Let's stay in this position for a while" sabi nya dahilan para mapangiti ako.
Kahit wag mona akong pakawalan. Ahihihi
"C-cris.Late na ako sa klase ko" Kagat labi kong sabi.
Wag mo akong paalisin,Please!
Humiwalay na sya sa pagkakayakap sa akin pero hawak nya ang bewang ko. Tinitignan nya ako sa mata at ganon din ang ginawa ko.
"Hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin,Heaven" seryoso nyang sabi habang nakatingin sa mata ko.
Maayyyy goooooodddddnnnnnnnessssss!
"Ayoko ng mawalan muli....Kaya gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwanan...handa akong magpaunder sayo pero kapag sa kama ikaw ang under sakin" Seryoso nyang sabi dahilan para mapa mulahan ako ng mukha.
P-puta!
"Cr—"
"Let me finish first" naitikom ko naman ang Bibig ko.
Patapusin mo muna si Cris,para mamaya halikan nalang.Ahihihihi.
"When I first saw you,gusto na kita.Kaya naman kinilala ko si Princess para makalapit sayo"
OMG!
"Nung umalis ka at pumuntang ibang bansa I feel incomplete weren't seeing you everyday"
OMG!OMG!
"Doon ko narealize na mahal na pala kita"
OMG!OMG!OMG!Iiyak naba ako!?
"Doon ko narealize na mahal na kita,na kapag naging akin ka,hindi na kita papakawalan pa" tinanggal nya ang kamay nya sa bewang ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"C-cris" Mahina kong tawag sa pangalan nya pero sapat na iyon para marinig nya ang boses ko.Unti-unti naring nangingilid ang luha ko.
Iyak ka bili!
"Mahal kita, Heaven Wardy.Te amo, Mi amor"
M-mahal ako ng taong mahal ko!
Unti-unting naglandas ang aking luha pababa sa aking pisngi dahilan para mataranta sya.
"M-mahal mo ako?" Lumuluhang tanong ko dahilan para mapatingin muli sya sakin.
"Yes,I love you,Mi amor"Nakangiti nyang sabi.
Agad akong umiling.
"Pano kung bigla mo nalang akong iwanan katulad ng mga ex ko?Pano nalang kung magsawa ka sa akin?Pano nalang kung makahanap ka ng mas better sakin?Pano—"natigilan ako ng may malambot na bagay ang dumampi sa akin.
Pagdilat ng mata ko ay ang nakapikit na mata ni Cris ang Una kong nakita,bigla nalang nanlaki ang aking mata ng marealize ko na hinalikan nya ako.
Itutulak ko sana sya ng bigla nyang simulan ang paggalaw ng kanyang malambot na labi dahilan para mapapikit ako at mapakapit ng mahigpit sa uniform nya.Naramdaman ko ang pagngisi nya pero sinawalang bahala kona iyon.
Pareho kaming naghabol ng hininga ng mag hiwalay ang labi naming dalawa. Pinag dikit nya ang noo naming dalawa habang nakahawak sya sa magkabilang pisngi ko.
" Do you believe me now?"habol ang hininga nyang tanong.Napa titig naman ako sa mata nya.
"Doubt" nakanguso kong sabi.Mabilis naman na nagsalubong ang kilay nya bago humiwalay sa pagkakadikit ng noo namin.
Binitawan nya ang magkabila kong pisngi at seryosong tumingin sa akin dahilan para maging sunod-sunod ang aking paglunok.
Napatungo tuloy ako ng wala sa oras bago ngumuso. Masama bang magduda?
Nagulat nalang ako ng bigla nya akong hapitin papalapit sa kanya dahilan para magdikit ang aming katawan.Napahawak ako sa dibdib nya.
Shet!Tigas!
"Gusto mo bang buntusin kita ngayon din?" Nakaawang ang bibig ko ng mag-angat ako ng tingin sa kanya.Seryoso lamang sya habang ako ay parang tanga na nakatingin sa kanya habang nakaawang ang bibig.
"Ano bang —" hindi kona natapos ang aking sasabihin ng mabilis nanaman nya akong siniil ng halik.
This time at isinandal na nya ako pader habang hinahalikan.
Gagawa naba kami ng baby?
Nang matapos ang malanding gawain namin ni Cris ay muli nyang pinagdikit ang aming noo na dalawa.Hawak nya muli ang pisngi ko.
"Mahal na mahal kita aking Babb, ikaw ang Una at huli kong pipiliin...I love you" seryoso nyang sabi bago dampian ng halik ang aking noo at yakapin.Gumanti rin ako ng yakap bago magwika.
"Mahal na mahal din kita,Babb"