Nang makita ni Erica na nadagdagan ng 10% ang battery ng phone niya ay agad niya iyong binuksan. Sunod-sunod na text messages galing kina Aly, Lara, Harlene at Ronnie ang bumungad sa kanya pag-on pa lang ng phone. Hindi niya napigilan ang matawa habang isa-isa na binubuksan ang mga iyon, completely forgetting about her chocolates and soda na sinisimulan ng kainin ni Alex. From: Harlene Nasaan na kayo ni Alex? Kanina ka pa namin tinatawagan! From: Lara Ano na Krysthea Erica? Nagtanan na ba kayo ng husband-but-not-really-husband mo? From: Alyssa I tried to contact you. Nandito na iyong banda kaya umuwi na kayo. Anong oras na. From: Ronnie Please be safe, Erica. “Is it on?” dinig niyang tanong naman ni Alex. Mabilis na tumango naman siya dito bilang tugon, hindi na nag-abala na lingu

