“I hate seeing you cry, my love…” Huminga ng malalim si Erica upang pigilan ang pagtulo muli ng luha. She closes her eyes at sumubsob sa dibdib ni Alex. Agad naman siyang niyakap ng mahigpit ni Alex at kinulong sa mga bisig nito. Ang luha na pinipigilan ay muling tumulo ng maramdaman ni Erica ang malambot na labi ni Alex sa noo niya kasunod ang marahan na paghaplos nito sa buhok niya. Kung panaginip lang po ito Lord ay sana hindi na ako magising. “I’m sorry Erica. I’m sorry.” “I’m sorry for always making you cry ever since you came home.” Mahinang wika pa ni Alex habang patuloy pa rin sa paghaplos ng buhok niya. Kasalukuyan pa rin na nakatayo ang dalawa sa dalampasigan, naaabot ng tubig dagat ang mga paa nila sa tuwing umaagos ito. Ramdam ni Erica ang malamig na simoy ng hangin nguni

