Buong byahe na hindi nag-imikan sina Erica at Alex. Nanatili na nakatalikod lamang si Erica sa asawa at nakikinig sa radio habang si Alex naman ay seryoso lamang sa pagda-drive. Ang resort na pupuntahan ng mga kaibigan ni Erica ay 8 hours drive away from the Metro kaya namin nagkaroon sila ng dalawang stop over para sa bathroom and coffee break upang mapawi ang antok ng mga designated drivers. Nang ihinto ni Alex ang sasakyan ay agad na bumaba si Erica at naglakad patungo kina Alyssa. Nakita niyang gising na ang kambal at karga-karga ng mag-asawa. Agad siyang lumapit dito at kinuha ang inaanak na babae kay Zayn at sinamahan si Alyssa patungo sa kainan. "Kanina pa sila gising?" tanong ni Erica. "Kakagising lang." Sagot naman ni Alyssa, bahagya na nilingon ang kaibigan at matamis iton

