“What happened to us, Alex?” Nanatili na nakatingin si Erica sa kaharap habang hinihintay ang isasagot nito. She keeps staring at her husband kahit pa agad itong umiwas ng tingin nang marinig ang sinabi niya. Ramdam niya ang pangingilid ng luha mula sa mga mata ngunit hindi niya iyon pinansin. She wants to know the reason why and Erica wants to work it out. She can’t afford to lose Alex. Hindi siya basta susuko ng hindi lumalaban. “What do you think happened to us, Erica?” wika ni Alex matapos ang ilang sandali. Dahan-dahan na nag-angat ito ng tingin at sinalubong ang nangingilid sa luha niyang mga mata. "I…I honestly don't know." mahinang sagot naman ni Erica saka mabilis na yumuko. Huminga siya ng malalim at mariin na pumikit, kasabay niyon ang sunod-sunod na pagtulo ng luha mula s

