“How was your day?” tanong ni Erica nang makalapit sa kanya si Alex. Kasalukuyan na siyang nakaupo sa sofa habang buhat-buhat naman ng asawa ang kambal na pamangkin nito. Tinulungan niya si Alex na ibaba ang mga pamangkin sa ibabaw ng couch, agad naman bumalik ang mga ito sa pinaglalaruan kaya naiwan ang dalawa na magkatabi sa upuan. “Better kasi nakita na kita.” sagot sa kanya ni Alex pagkuwa'y masuyong hinawakan ang isa niyang kamay at dinala iyon sa mga labi saka matunog na hinalikan. Kinagat ni Erica ang ibabang labi upang pigilan ang paghagikhik dahil hindi maitatanggi na kinikilig siya. “Wow! Ang cringey niyo pala pakinggan.” Magkasabay na napalingon ang dalawa sa gilid ng marinig ang boses ni Alyssa. Narinig ni Erica ang pag-tsk ni Alex sa kapatid kaya napatawa siya at nagkusa ng

