"Erica, wait!" Hindi pinakinggan ni Erica ang pagtawag ni Alex at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya at nagtangka pa na hawakan ang kamay, mabuti na lamang at mabilis siyang nakaiwas, mas binilisan niya pa ang paglalakad hanggang sa tuluyan na siyang tumakbo dahil dinig na dinig niya ang papalapit na yabag ni Alex. "Erica!" Kinagat ni Erica ang ibabang labi nang tuluyan siyang makalabas ng school gate. Mabilis siyang sumakay sa sasakyan niya at agad na pinaharurot iyon, hindi na nag-abala pa na suotin ang seatbelt. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ng hindi sinasadya na mapatingin siya sa rearview mirror at makita doon ang asawa. Huminga siya ng malallim at mabilis na kinusot ang mga mata upang luminaw ang tingin niya sa kalsada. ***

