“We thought you couldn’t make it.” Tipid na ngiti ang tinugon ni Erica nang marinig ang sinabi ng kapatid saka nagpatuloy sa paglalakad papasok sa magarang dining room. Binati niya ang mga magulang na kasalukuyan na nakaupo sa harapan ng upuan bago maupo sa pwesto niya, sa tabi ng ina. “Where is your husband?” tanong pa ng ina sa kanya. Hindi umimik si Erica at nagsimula na lamang na lagyan ng pagkain ang plato na nasa harapan. Erica came to the family dinner alone kahit pa nangako siyang isasama ang asawa sa araw na iyon. Ramdam niya ang nagtatanong na tingin ng mga tao sa hapag ngunit pilit na inignora niya iyon at in-enjoy ang pagkain. Bigla ay naalala niya na hindi pa siya kumakain ng lunch dahil sa matagal na paghihintay kay Alex at nang magising ay nasa loob na ng kuwarto. Para t

