“Why is she here again?” “What?” Stephanie didn’t realize that she was thinking out loud nang lingunin siya ni Alex. Tumigil pa ito sa paglalakad upang harapin siya at kunot-noo na titigan. Mabilis na nag-iwas naman ng tingin ang dalaga saka umiling bilang tugon dito. Tumango naman sa kanya si Alex at nagpatuloy sa paglalakad, hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagsilay ng malawak na ngiti sa mga labi nito nang makita ang kanina pa tinitignan ni Steph. It’s the b***h Erica again. She’s standing outside the gate wearing a black bodycon dress that’s hugging her slim body. Suot din nito ang limited edition na Gucci high heels na agad namukhaan ni Steph dahil minsan na siyang nagpabili ng ganoon sa Mommy niya ngunit hindi sila pinalad dahil nga limited edition. Buong akala ni Stephanie

