Ang daming gustong itanong ni Erica kay Alex tungkol sa blockmate nito. Ang dami niyang gustong linawin, ang dami rin niyang gustong sabihin ngunit dahil mas nanaig sa kanya ang takot ay pinili na lamang niya manahimik. Hihintayin na lamang niya si Alex na magkusa at ito ang magsabi ng lahat ng gusto niyang malaman. Hihintayin niya ang asawa kahit matagalan pa ito. Ngunit dahil gusto niya magkaroon ng peace of mind ay nasundan ang pagdadala ng lunch ni Erica kay Alex lalo na kapag alam niyang male-late ito ng uwi. Dumating na rin sa point na sinusundo niya ito mula sa school kapag pinapaalam sa kanya ni Alex na maaga ito uuwi dahil wala ang Professor ng huli nitong subject o hindi kaya ay wala itong masyadong work sa company nila. And so for the last four days Erica’s living with Aly and

