Chapter 24

1138 Words
(A/N: Pasintabi sa mga kumakain may kakarampot na scene na baka sobrang sensitive kayo sa ganong topic so mamaya nyo na ituloy pag tapos na kumain. Oki?) Alexandra’s POV Nine years ago.. “Hello po grandma.” I was only five years old and I am staying here at the mansion of my father’s mother. “Iha, sumunod ka sakin ha? Tatakbo tayo sa gubat okay? Hide and seek ang lalaruin natin.” Nakangiting sabi sakin ni grandma. “Pero bakit po maingay sa labas?” tanong ko habang tumatakbo kami ni grandma papunta sa backdoor. Ngumiti sya sakin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. “Kahit anong makita mo kalimutan mo na lang ha? Mahal na mahal ka ni grandma iha.” And tears escape through grandma’s eyes. “Wag na po kayo iyak grandma.” Sabi ko habang tumatakbo. “Iha, mag-iingat ka sa daraanan natin ha? Sa harap lang ang tingin okay? Sa harap lang.” sabi ni grandma at lalo pang bumilis ang takbo nya. Nakikinig akong mabuti kay grandma dahil maingay ang paligid. “Grandma? Diba ganyan po ang tunog sa pinapanood po ni grandpa?” tanong ko kay grandma. “Iha – “ “Narito lang pala kayo Donya Chi. Maghahabulan ba tayo?” tanong ng isang matangkad na lalaki na humarang sa daanan namin. Hinawakan ako ni grandma at agad na itinago sa likod nya. “Umalis ka dito Walter, isa kang traydor!” sigaw ni grandma na ikinagulat ko kaya napahawak ako ng kapit sa kanya. “Narito na po kami Donya! Poprotektahan po namin kayo!” at sunod sunod na dumating ang mga bodyguard sa mansion at pumalibot samin. “Grandma, what’s happening po?” tanong ko kay grandma. Humarap sya sakin at lumuhod. Hinalikan nya ang noo ko ng madiin at dahan dahan yumakap sakin ng mahigpit. “Alexandra apo, mahal na mahal ka ni grandma ha? Mahal ka naming lahat.” Nakangiting sabi sakin ni grandma kasabay ng pagsuot sakin ng isang gintong susi. “Wow grandma, your giving me your golden key?” nakangiting tanong ko. Tinago nya ang susi sa loob ng damit ko at hinawakan ang mga kamay ko. “Kahit anong mangyari apo, wag na wag mong sasbihing nasa ito ha? Na sayo ko ibinigay? Maliwanag ba?” Ngumiti ako at paulit ulit na tumango. “Mabuti apo. Pero kung kinakailangan, ipagkatiwala mo ito sa taong pinagkakatiwalaan nito ha?” sabay turo nya sa bandang dibdib ko. “Sa puso ko po? Pero hindi ko po maintindihan grandma.”naguguluhang sabi ko. “You will apo, someday.” Sagot sakin ni grandma na may malaking ngiti sa labi. “Donya Chi! Pagod na akong makipaglokohan sa inyong mag-asawa! Nasan na ang mga ginto?!” natakot ako sa sigaw ng lalaki na ngayon ay duguan na. Nakakatakot sya. Galit na galit sya at ang daming ugat sa mukha nya, para syang monster sa cartoons. I don’t want to see him again! Mas napahawak ako sa kamay ni grandma ng makita ko ang buong paligid ko. Kahit san ako tumingin.. madaming kulay pula sa lupa. Mga tao na nakahiga at naliligo ng kulay pula sa katawan nila.. May mga sword sa katawan nila.. may humihiyaw.. may mga munting pagsabog.. Dugo.. ang daming dugo.. ang daming patay na tauhan nila grandma sa paligid. “Apo!” nabalik ako sa pagtingin kay grandma ng marinig ko syang sumigaw, kahit nanginginig ay humawak ako sa kanya ng pilit kahit na binitawan nya ako. “Makinig ka apo. Kapag sinabi kong takbo, takbo maliwanag? Wag kang lilingon dito ha?” sabi ni grandma at mahigpit na hinawakn ang aking kamay. Kahit gusto kong magtanong ay hindi na ako nakapagtanong pa dahil sa mga nakikita ko. “Ang ganda ng apo mo Donya Chi, takot na takot sya. Papatayin ko din ba sya?” papatayin? “Walang hiya ka! Wag na wag mong hahawakan ang apo ko!” sigaw ni grandma. Binitawan nya ako sabay sabi na.. “Takbo!” tumakbo agad ako gaya ng sabi ni grandma na hindi lumilingon.. Lahat ng nasa paligid ko. Dugo.. puro dugo. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagulat na lang ako ng nakahiga na ako sa sahig sa tabi ng isang lalaki na wala ng buhay. Dilat ang kanyang mga mata at walang buhay na nakatingin sakin.. Umupo ako dahan dahan at umatras papalayo sa kanya.. ang mga kamay ko.. puro dugo. Ang.. ang daming patay sa paligid.. grandma.. grandpa.. mom.. dad.. nasan po kayo? Then I suddenly heard a loud bang that makes me look at grandma’s direction. I saw her smiling at me while slowly lying at the ground with a lot of blood on her chest. Grandma..   “Damn it! Xandra! Andito ka lang pala! Nababaliw ka na ba bakit sobra mo akong pinag-aalala?!” warmth.. I feel warmth again. Dahan dahan kong inangat ang aking paningin at mula dito ay kitang kita ko si Clean na basang basa habang puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. “Umiiyak ka ba?” nag-aalalang sabi nya habang nakatingin sakin. “Xandra. Oy Xandra, magsalita ka wag mo akong tignan. Ano bang ginagawa mo dito?” nakaluhod sya sa harapan ko at marahan nyang inaayos ang mga buhok na humaharang sa mukha ko. “Bakit ang lansa?” nagtatakang sabi nya at dahan dahang tumingin sa paligid. “What the heck!? Sinong gumawa nito sa mga alaga ko!?” sigaw nya at bibitaw sana sakin kaso hinawakan ko sya ng mahigpit. Tumingin sya sakin at tinignan ako sa mukha. “Nanginginig ka. May phobia ka ba? Xandra.” Sabi nya pero kahit anong salita ay hindi ako makagawa at nakatitig lang ako sa mga mata nya. “Xandra, wag mo naman akong takutin ng ganito oh? Magsalita ka. Nag-aalala ako sayo ng sobra kanina pa kita hinahanap tapos makikita kitang naka-upo dito? Uy kibuin mo naman ako.” Sa kabila ng malakas na ulan ay sobrang linaw ng lahat ng salita na lumalabas sa bibig nya. Punong puno ito ng pag-alala pero.. wala akong ibang magawa kundi ang tignan lang sya. Somehow, hindi na ganon ang setting na nakikita ko sa utak ko. It’s her beautiful face again with her genuine smile. Nakatingin lang ako sa kanya habang nanginginig. “Xandra.” Nagulat ako ng yumuko sya dahan dahan at pumikit. Teka, anong gagawin mo Clean? I wanted to ask her that but I cannot utter any word. Sobrang lapit na nya at dahan dahang lumapat ang mga labi nya sa labi ko.. Kumulog ulit pero hindi manlang ako nagulat dahil kahit gaano pa kalakas ang kulog na iyon ay mas malakas pa din ang t***k ng puso ko.. Cleandrea Logan kiss me under the rain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD