Clean’s POV Tumakbo na ako habng iginagala ang flashlight sa paligid. Xandra.. Xandra.. Xandra! Nasan ka na ba? Sobra mo akong pinag-aalala! Di naman tayo close, ni hindi pa nga tayo nakakapagkwentuhan eh! Tapos.. tapos.. lagi mo pa akong ninanakawan ng halik! Tapos kung makatitig ka pa wagas, parang laging may something lahat ng titig mo! Pero nasan ka na? Lintek naman oh! Lahat na ng klase ng mura ay nasabi ko na pero kahit konti di manlang mabawasan ang pag-aalala ko. Lumingon ako sa kaliwa habang tumatakbo at sa kasamaang palad ay pagharap ko saktong sumalubong ang isang puno, sinubukan kong huminto pero dahil madulas ay nadulas pa ako sabay hampas ng katawan ko sa puno. “Walanjooo! Ang sakit! Awww!” sigaw ko sabay himas sa braso ko. Tumingin ako sa langit at madilim pa din ito.

