Chapter 3

1204 Words
Nilagay ko na ang mga madudumi kong damit sa basket at lalakad na sana papunta sa pwesto ko ng magsalita sya. “I know what you did.” Sabi nya ng hindi tumitingin sakin. Napalunok naman ako. “Huh?” Inosenteng tanong ko sa kanya. “You and your best friend vandal it right?” Natigilan ako sa huling sinabi nya sabay lingon sa kanya. For the first time ay nagkatinginan kami sa mata sa mata. Those eyes, sobrang itim non. “Ano naman ngayon?” tanong ko sa kanya. Okay pakabait tayo gaya ng sabi nila mama. “The student council are looking for the culprits. Lucky you and your best friend, di nila kayo mahahanap kasi malinis kayong manggulo.” “Anong pinopoint mo?” tanong ko sa kanya. Tumayo sya at lumapit sakin. Magkasing height lang pala kami. “My point is, can you stop being a headache?” “What is it to you? What do you care about it? Hindi naman ikaw ang nagugulo diba?” anong karapatan nya para pagsabihan ako ng ganon? Close ba kami? “Wala. Pero I suggest you to stop it, kayo lang din mapapahamak sa dulo.” Cold na pagkakasabi nya sakin sabay talikod, ang ayoko ay yung tinatalikuran ako eh! Hinawakan ko ang braso nya at hinarap sakin. Nakita ko namang nagulat sya, “Wag mo akong tatalikuran habang nag-uusap tayo. Ano bang pakialam mo? If mapahamak kami, it’s up to us. Sanay na kami freshman pa lang.” sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya. Sobrang lapit namin ngayon but I don’t care if she’s Xandra the Ice Princess. “Hindi naman tayo close so wag mo na lang akong pakialaman. Roommate lang naman tayo, I don’t want a boring high school life.” With that ay binitawan ko na sya at tumalikod na. What’s with her? Hindi naman sya yung tipo ng tao na mangingialam, kung nakita nya, edi magsumbong sya. Wala kaya syang paki kung ano man gawin ko, besides madami na kaming record noh! “So gusto mo maging close tayo?” what the? “Wala akong – “ nagulat na lang ako ng bigla nya akong itulak pahiga sa kama pagkaharap ko sa kanya sabay ibabaw sakin. “What the?!” nagulat na lang ako sa sunod nyang ginawa. Bumaba sya at hinalikan ako sa mismong labi ko! Never pa akong nahalikan ng kahit na sino dahil bukod sa girls school ako nag-aaral ay di rin ako palakaibigan lalo na sa lalaki. “Hmmph!” she’s kissing me harshly kaya pilit akong pumapalag, damn! Bakit ganito sya kalakas?! Nauubusan na ako ng hininga kaya the moment na lumayo na sya ay agad akong huminga ng sunod sunod. “I know we’re not close. And a friendly chit chat won’t work also. So, can we get close through this?” What does she mean? Habol hininga pa din ako habang pinupunasan ko ang labi ko at nakatulala lang sa kisame. Bakit ganon sya makatitig? Ang lalim, before ay blangko lang syang tumgin pero bakit ngayon ang lalim nyang tumingin?! “I’ll sleep to the guestroom. Babalik ako bago pa dumating sila tita, ayoko namang sabihin nilang di tayo magkasundo. Good night.” And with that ay lumabas na sya. Ng mahimasmasan ako ay agad akong napahawak sa lips ko. A she stole my first kiss. Badness! /// “Miss Logan! If you want to sleep badly then go outside!” sigaw ni ma’am na nakapagpagising sa diwa ko. “Ma’am! Nasa kalagitnaan na ako ng tulog ko!” sagot ko pa sabay gulo ng buhok ko. “Aba’t – !” Tinaas ko ang mga kamay ko na sumusuko na. “Okay okay! Lalabas na eto na po!” sabi ko sabay labas ng room na hindi pinapakinggan ang pagpuputok ng butsi ni ma’am. San naman kaya ako pupunta nito? Di ko maisama sama itong si Stella dahil paboritong subject nya yon. Yung dalawa kaya? Dumaan ako sa room nila Kyla at Janina. Wow! Mga panget talaga sila! Nagbabatuhan sila sa likod kapag tatalikod yung teacher nila. Mukhang di ko sila maisasama hays! Aha! Doon ako sa bakanteng room! Lumakad agad ako papunta sa room na pinaghatakan ko kay Xandra kahapon. Makakatulog din ng matiwasay yes! Pumasok agad ako sabay padlock ng pinto mula sa loob. Aircon check! Lights check! “Check!” nahintatakutang sigaw ko ng mabungaran ko si Xandra na nag-aayos ng papel sa loob. Tinignan nya ako sa mata tapos binalik din ang tingin nya sa papel. This cant happen! Tama na yung sa isang room lang ako nakukulong na kasama sya noh! Humarap agad ako sa pintuan at dali daling pinagkakalas ang mga padlock na inilock ko huhuhu! Nanigas ako bigla ng may humawak sa kamay ko na nanginginig habang nakawahak sa huling lock. “Bakit mo naman kinakalas?” nakagat ko ng todo ang lower lip ko ng maramdaman ko mainit nyang hininga sa tainga ko. Syet! Wag dyan! Malakas kiliti ko sa tainga! Nakakainis na to ah! Pakiramdam ko dalang dala nya ako sa ginagawa nya! Humarap ako sa kanya kaso agad din akong napasandal sa pinto na nasa likod ko dahil sa sobrang lapit nya. Ang intense pa ng tingin nya sa mga mata ko. “Ano bang problema mong babae ka?” sabi ko sabay pilit na tumingin sa mga mata nya. Napalunok ako ng idinikit nya ang katawan nya sakin. I know, saktong sakto lang sakin ang boobs ko, pero bakit mas malaki ata yung kanya. No! No! No! Too pervy! My boobs are perfectly fine! “Oy Clean nasan ka?!” narinig kong sigaw ni Stella. Napangiti agad ako ng malaki at ng aktong sisigaw na ako ay nagulat na lang ako ng hinalikan nanaman nya ako sabay hawak ng mahigpit sa mga kamay ko at itinaas ito. Damn! Nakakapanghina! Di ako sumasabay sa kanya dahil di ko naman alam kung pano ano! Pinilit kong magpumiglas at ng lumayo sya .. “Ano ba – “ kung may ilalaki pa ata ang mata ko ay mas lumaki pa ngayon dahil this time ay dila naman nya ang pumasok sa bibig ko. Walang hiya ka Xandra! I immediately lose my balance pero inalalayan nya din agad ako. “Ano ba yan!? Nasan na kaya yung babaeng yon?” huling narinig kong sabi ni Stella. Lumayo naman si Xandra sakin ng marealize nyang umalis na si Stella. Hingal na hingal akong napasubsob sa balikat nya. Nakahawak sya sa bewang ko habang ako naman ay nakahawak sa mga balikat nya. “Ano – ano bang – problema – mo?” Napilitan akong mapatingin sa mata nya ng hawakan nya ako sa chin at titigan sa mata. “Tell me, does my lips tastes good?” Di ako nakapagreact habang nakatingin sa mga mata nya. Hindi ba ako makapagreact dahil ayaw kong umamin? O dahil totoo talaga? Pero ano bang pinagkaiba non?! Napaawang ang bibig ko dahil for the first time, I saw the Ice Princess let out a small smile from her sinful lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD