Chapter 2

1767 Words
Tinulungan ko si Xandra na bitbitin ang maleta nya paakyat dito sa kwarto. Lahat ng kwarto ay andito sa second floor at may malawak na balcony din sa bandang dulo ng hallway. Pagpasok nya ay agad ko ng sinara ang pintuan. Since mas gusto ko ang malapit sa bintana ay don ko piniling mapwesto. “So..” sabi ko at tumingin sa paligid. Nag-iwas naman ako ng tingin ng tumingin sya sakin. Napalunok ako ng matindi bago magsalita. “Dyan ako mahihiga sa side malapit sa bintana tapos don ka sa kabila. Lahat ng drawers at cabinet na walang laman ay sayo. Then.. yung nag-iisang pinto dyan ay banyo. Feel free to use it and feel at home, yun lang.” sabi ko at agad na iniwan sya sa loob para makapag-ayos sya. Ang mabait na estudyanteng kagaya nya ay hindi makakahang out ng pasaway na kagaya ko. Kumbaga total opposite talaga kami! Maingay at tahimik. Pasaway at masunurin. Magulo at disente. Boom! Hindi mag-c-click! Kaya imposibleng magkasundo kami gaya ng gusto nila mama at daddy. “Oh anak bakit andito ka pa?” sabi ni mama habang humihikab. “Iinom lang po ng gatas.” Nakangiting sabi ko. “Night shift po?” tanong ko pa kay mama ng mapansin kong naka-uniform sya. Si mama ay isang neurosurgeon na super galing! Napanood ko ng mag-opera si mama at ang galing nya talaga! Basta magaling sya, di naman ako mahilig sa science so don’t know how to describe nyenye. Tapos si daddy naman ay businessman. Hmm.. di ko din trip ang business. Di ko nga alam kung anong lalakaran kong buhay pag graduate ng high school eh. “Emergency anak. Kailangan talaga ako eh. Si daddy mo tulog na. Pakabait ka kay Alexandra ha? Wag pasaway okay?” “Okay po.” Sabay buntong hininga. “Lalakad na ako.” “Ingat po.” Sabi ko at ngumiti lang si mama tapos umalis na hays. Ang totoo nyan ay di ko talaga alam kung paano pakikisamahan si Xandra eh. Totoo nga na three years na kaming classmate since grade 7 pero never pa kaming nag-usap tapos kilala pa kami ni Stella na Pasaway in Tandem kaya malay ko ba kung pano ako makikisama sa isang gaya nya? Hinugasan ko agad ang baso na ginamit ko at agad ng umakyat sa kwarto namin. Kumatok muna ako at ng marinig kong pwede na akong pumasok ay pumasok na ako. Nakabihis na sya ng pantulog at nakaupo sa dulo ng kama at nakatingin sakin. Umiwas agad ako ng tingin at naglakad na papunta sa pwesto ko. “Uhh.. matutulog ka na din ba?” tanong ko sa kanya. “Oo.” Matipid na sagot nya. “Hmm.. okay lang ba kung patayin ko na ang ilaw at lamp shade na lang ang gamitin natin?”alanganing tanong ko sa kanya. “I don’t mind. It’s your room anyway.” “Sabi ko nga.” Napabuntong hininga na lang ako at agad na binuksan ang lamp shade tapos lumakad at pinatay ko na ang ilaw. Pati kumot share kami? Goodness! “Good night.” Sabi ko sa kanya at nagkumot na. “Good night.” Sabi nya din. Di ko sya nilingon at nanatling nakatalikod sa kanya. Great talaga! /// “Oh lala!” tawa tawa si Stella ng akbayan nya ako. Same kami lagi ng routine. Hintayan dito sa gate ng school tapos sabay lalakad papasok. Hay nako! Di ko na mabilang kung ilang beses na akong napahikab sa umagang ito. “Anong trip yan Clean at panay hikab mo? Cutting tayo?” sabay taas baba ng kilay nya. Napaangat naman ako ng tingin at ngiting ngiting humarap sa kanya! “Awesome! Tara first half!” nag-apir kami at agad na nagmadaling lumakad. Cutting at second day seems fun! The truth is di talaga ako nakatulog masyado. Di ako yung tipo na nag-stay sa isang posisyon, yung para bang iikot ikot ka para mahanap mo yung nais mong posisyon para makatulog ka. Pero since may kasama ako ay hindi ko na yun magagawa. Imagine nanatili akong nakatalikod sa kanya tapos magigising ako sa ngalay tapos titihaya ng sobrang dahan dahan para di sya magising or para di ako makaistorbo. Sobrang hirap! Kaya ng magising ako ng 4am ay agad akong nag-asikaso na at nagbihis at itinuloy ang tulog ko sa guestroom. At para hindi mapaghalataan ng lahat ay bumaba ako ng half six am para makasabay kila daddy at Xandra na magbreakfast. Di nga ako makatingin sa kanya eh. Buti nga hindi nya ako nilaglag kila daddy na umalis ako ng kama hays. Pero? Nagising naman kaya sya? Sana hindi kasi baka isipin nyang galit ako sa kanya? Nahihiya lang naman ako. Di naman ako galit or what sa kanya. Nahiga agad ako ng makarating kami sa open field. “Ang sarap talaga dito ang hangin hangin.” Sabi ko at humiga na dito sa ilalim ng puno. “Tama tama! So pano ba yan aayain ko ba yung dalawa?” tanong nya. Umiling naman ako paulit ulit. “Wag na pang gulo lang sila.” “Edi dating gawi?” “Yup! Look out ka ha!” sabi ko sa kanya. Nagthumbs up lang sya at agad na akong pumikit.   Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ko ng maaramdaman kong niyuyugyog ako ng matindi. “Ano ba?!” “Tae ka Clean! Kapag hindi ka pa bumangon iiwan na kita dito! Papunta na dito si Vice!” “Fudge!” napabangon agad ako sabay kuha ng gamit ko. “Tara na!” sabi ko sabay hatak kay Stella. “Hoooy! Magsitigil kayo!” “Uwaaa! Ang bagal mo kasing magising eh!” sigaw ni Stella habang tumatakbo kami. “Sorry na!” Pansin ko lang ha. Araw araw ba kaming tatakbo?! Isa pa, wala bang klase ang mga student council?! “Kaliwa!” sigaw ni Stella pero dahil nasa deep thought ako ay di agad ako nakakilos at bumangga sa punong kaharap ko. “Walanjo! Ang sakit!” sigaw ko habang nakahawak sa noo ko. “Gaga tayo na!” nagpakaladkad na agad ako kay Stella ng hatakin nya ako. Hingak na hingal kami habang nagtatago dito sa likod ng building namin. “Laugh trip Clean! Pulang pula yang noo mo!” “Sige tawa pa! Kakrmahin ka din bwiset ka.” Naiinis na sabi ko habang may hawak na yelo. “Sorry na ang pikon mo talaga!” sabi pa nya at sya na ang humawak sa yelo tapos sumandal na lang ako. Napapikit naman ako sabay buntong hininga. “Wala pa bang lunch? Nagugutom na ako.” Sabi ko sabay pout. “Wala pa.” sagot nya tapos napakunot noo naman ako ng lumapit sya sakin. “May dala akong pulang spray dito since di natin nagawa ang balak natin kahapon.” Sabi nya sabay snap. “Aha! Tara!” because of that ay nabuhayan ako ng loob. Well, Pasaway in Tandem is back! /// We really made sure na walang nakakita samin ng ginawa namin ang aming krimen at ngayon ay andito na kami sa second half at nakatingin sa guro naming nag-aayos. “Class, may nagvandal sa bagong pinturang cr. Hay nako dumadami na ata ang mga pasaway ngayong taon. Kanina ay may nagcutting din daw.” Sabi ni ma’am sabay hilot ng ulo nya. “Anyway, let’s start for our topic today.” Patay malisya lang ako habang nagsusulat ng mga isinusulat ni ma’am sa board. That was really fun! Tawa ako ng tawa ng makitang halos maging kulay pula na yung putting pintura eh. Habang nagsusulat ay may naramdaman akong parang mataimtim na nakatitig sakin. Lumingon ako sa kanan ko, wala. At pag lingon ko sa harap, there, a deep pair of black eyes are piercing through my soul. Binalik ko agad ang tingin ko sa harap at di na ulilt tumingin sa kanya. May alam ba sya? /// Kakatapos ko lang magbihis ng school uniform dito sa locker at saktong apat na lang kaming natitira dito. “Nahihirapan talaga ako sa back flip.” Sabi ni Janina sabay himas sa noo nya. Speaking of noo, buti pagkatapos naming magvandal ay nawala na yung pagkapula ng noo ko. Sabay sabay kaming tumawa dahil sa sinabi nya. Shems! Ang ganda naman kasi ng back flip nya! Unang lumapag yung mukha kesa sa paa eh! Plakda as in! “You did great nga eh! Pinasaya mo kaming lahat!” asar ko sa kanya dahilan para batuhin nya ako ng bote ng tubig, buti na lang nakailag ako. “Wala kang kwentang kaibigan Clean! Tinawanan mo lang ako the whole time!” naiinis na sabi nya. “Can’t help it! Sorry na!” sabi ko sakanya tapos nag-apir pa kami ni Stella. “Oo nga! Pero buti na lang mas maaga kaming nakarecover ni Kyla maliban na lang dito na gumulong gulong pa talaga habang tumatawa.” Sabay lingon sakin ni Stella. Si Kyla naman ay panay panay tawa. “Yup yup!” Tinignan ko agad ang phone ko ng magvibrate ito. From daddy: Anak uwi na. it’s almost dinner.   To daddy: On my way na po. Sent.   Nag-aasaran lang sila kaya binitbit ko na ang bag ko. “Pano ba yan guys? Una na ako ha? Hanap na ako samin eh. “Ingat!” “Yup kita kita bukas ah!” sabi ko at lumakad na pauwi.   “Im home!” sigaw ko pagpasok ko. “Iha, upo na.” nakangiting sabi ni mama. Umupo naman ako at nagsandok na ng pagkain. “Si daddy po?” tanong ko kay mama. “Nauna na syang kumain at umalis eh. May emergency meeting daw.” Tumango tango lang ako at sumabay ng kumain. “Tapos si Alexandra naman ay kumain na daw kay dumiretso na sya sa kwarto nyo.” Tumango tango na lang ulit ako, not interested though. After kumain ay ako na ang naghugas at nagligpit ng lahat. Night shift na daw kasi si mama ngayon, so that means.. Heck, dalawa lang kami ni Xandra dito sa bahay! Oh no.. Pinatay ko na lahat ng ilaw at umakyat na. Pag dating ko sa taas ay nakita kong nagbabasa sya habang nagsusulat. Maybe yung assignment kanina. Di ko na sya kinausap at dali daling kumuha ng mga damit ko. Nagbihis ako sa banyo at paglabas ko ay nakaupo nanaman sya sa dulo ng kama. Tinignan nya nanaman ako sa mata kaya umiwas ulit ako ng tingin. I feel so uneasy.                                            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD