“Kaliwa!”
“Kanan!”
Magkaibang sigaw namin ni Stella pagdating namin sa dulo kaya ang ganap ay nagkahiwalay kami! Hay nako! San ako nito tatakbo?!
“Woah!” sigaw ko ng aksidenteng mabunggo ko ang isang babae at natumba sya sabay nagkalat lahat ng mga papel.
“Nako naman Miss! Ngayon pa kita nabunggo!” sabi ko habang hinihingal at mabilis na pinupulot ang mga papel na nagkalat sa paligid! Damn!
“Nasan na yung mga yun?!” nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ng isa sa student council member.
Agad kong hinatak ang babae na nakabunggo ko sa isang room na bukas at dahan dahan itong sinara. Napalunok ako ng matindi ng marinig ko silang nag-uusap mismo dito sa tapat ng pintuan na pinagtataguan ko.
“Ang mga pasaway na yon!”
“Grabe Vice! Never pa natin silang nahuli!” natatawang sabi ng isa sa kanila. “Humanda sila sakin sa susunod!” tapos ang sunod ko ng narinig ay ang papalayong hakbang na mga paa nila.
“Goodness!” malakas na pagkakasabi ko at inayos na ang mga papel na hawak ko. “Miss heto na – “ my jaw dropped ng makita ko kung sino ang taong nakabangga ko at ngayon ay nakatingin lang sya sakin.
“Xa-xa – “ nanginginig na sabi ko. “Sorry!” basta ko na lang inilagay sa kamay nya ang mga papel at kumaripas na ng takbo palabas. “Wait – “
Heck! Bakit sya pa nabunggo ko! Nakakakaba!
Liliko na sana ako kaso narinig ko yung boses ni Vice kaya sa kabilang daan ako dumaan at agad na tumalon sa kumpol kumpol na halaman. “Ay tago!” agad kong tinakpan ang bibig ni Stella.
“Dito sila dadaan shattap ka!” mahinang bulong ko sa kanya.
Pagdaan ni Vice ay napahiga na lang kami sa damuhan. “Lintek na first day to hays!” hinihingal na sabi ko. “Oo nga! Ang saya!” sigaw pa ni Stella.
Binatukan ko sya! “Sira ka talaga! Sa sobrang saya muntik na tayo mahuli!” at sabay kaming tawanan.
Natahimik kami ng mahimasmasan kami. Lagot, sana naman di ako mamukhaan ni Xandra patay talaga!
“Oy anong oras?” tanong ni Stella. “Huh?” sabay kaming napatingin sa relo namin. “Crap!”
Kumaripas agad kami ng takbo papunta sa building namin. “Baliw ka talaga Stella!”
“At ako pa ang baliw! Damay damay na to!” sigaw nya na ikinatawa ko.
Huminto agad ako pagkarating ko sa tapat ng classroom. “Sorry ma’am Im – “ di ko na natapos ang sasabihin ko ng banggain ako ni Stella sa side kaya tumalsik ako sa unang lamesa. “Aray!” mahinang daing ko sabay angat ng tingin.
Eh?! Si Xandra nakatitig ng direkta sa mga mata ko! s**t! Sana naman di nya ako namukhaan. Nagtawanan pa ang mga kaklase namin kaya agad akong umayos ng tayo.
“Sorry ma’am we’re late!” sabay naming sabi ni Stella.
“Ano ba yan Miss Logan at Miss Allister? San ba kayo nanggaling at puno kayo ng dahon?” kunot noong tanong samin ni ma’am.
“Huh?” sabay naming sabi ni Stella at nagkatinginan sa isa’t isa. Napaface palm ako ng makita ko ang itsura ni Stella, for sure ganon din ang sakin. Nakaramdam naman ako na parang may nag-aalis ng dahon sa likod ko.
Pasimple akong lumingon at nakita kong si Xandra ang taong yon at tinatanggal nya dahan dahan ang mga dahon sa likod ko. Kinabahan ako at agad na lumayo sabay lapit kay Stella at ako nagtanggal ng mga dahon nya.
“Walanjo ka! Tanggalin mo din yung akin!” gigil na bulong ko sa kanya. “Oo nga pala.” Kamot kamot na sabi nya.
“Okay na po ma’am!” hyper na sabi ko kay ma’am. Tawa lang ng tawa samin ang mga kaklase namin. Nako naman!
“Hay nako ladies, sige na you may take your seats.”
“Thank you po!” and our lesson for today started.
///
Hikab ako ng hikab ng matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Kaming dalawa na lang ni Stella ang andito sa classroom ngayon sa kadahilanang lutang kaming dalawa at di namin namalayan ang oras.
“Stella.”
“Oh?”
Saktong paglingon nya ay mabilis akong tumakbo. “Ikaw na bahala sa meryenda!” sigaw ko sa kanya.
Takbo ako ng takbo habang iniiwasan ang mga estudyanteng naglalakad paalis. Bahala na kung mahuli basta hindi taya sa meryenda!
Huminto agad ako paghinto ko sa tapat ng club sabay talon sa likod ni Janina na ikina-subsub nya sa mga matt, “Di ako late!” pumalakpak naman si Kyla. “Sus! Akala nga namin di na kayo dadating eh.” Naiiling na sabi nya.
Umilag ako ng makita kong binato ako ni Janina ng damit. “Epal ka talaga Clean! Itulak daw ba ako?!”
“Oy di kaya, tumalon lang ako malay ko bang weak ka at di mo ako kaya.” Sabay smirk ko sa kanya.
“Antaba mo kasi that’s why.” Pang-aasar pa ni Kyla. “Wow mga ate! Hiyang hiya naman ang abs ko sa inyp noh!”
“EDI IKAW NA MAY ABS!” insecure na sigaw nilang dalawa na ikinatawa ko. At yon na ang entrance ni Stella. “Walang – hiya ka – Clean!” hingal na sabi nya. “Meryenda!” sabay sabay na sigaw namin tapos nakitukso pa ang ibang pang member. So, ubos po ang allowance ng ate Stella nyo.
Wala namang ginawa sa club at nagpalitan lang ng kwento ang lahat, di din nakarating ang president namin kaya after two hours ay pinauwi na din kami ng aming Vice at lahat ay nagthank you kay Stella.
“Mga hampaslupa kayo!” singhot singhot na sabi nya habang naglalakad kami palabas. Tawa kami ng tawa sa kanya kanina pa. “Grabe ka talaga Tela! Priceless ang expression mo kanina!” pang-aasar pa ni Janina.
“Tigilan mo ko Sadista!”
“Oo nga! Lalo na ng buksan nya ang wallet nya pagdating ng delivery!” gatong ko pa. “Shattap Linis!” asar sakin ni Stella pero binelatan ko lang sya.
“Tama Tama! Mas nakakatuwa yung alanganing ngiti nya nung nagthank you ang lahat sa kanya.” Dagdag pa ni Kyla. “Wag mo ng dagdagan inay!” inis na sabi ni Stella kay Kyla.
“Di ako inay! Sapakin kita!”
“Tara oh!”
“Hep hep! Andyan na mga sundo nyo mga baliw.” Sabi ko sabay turo sa tatlong kotseng nakaparada.
“Pano ba yan girls? Bukas ulit!” nagpaalam kami kila Janina at Kyla na nauna na. “Di ka ba sasabay sakin? On the way naman village mo?” tanong ni Stella sakin.
“Sus hindi na lalakad na lang ako. See ya!” sabi ko at tumakbo na, ayoko ngang abalahin si Stella mainam ng umuwi sya sa kanila kesa i-drop off pa ako samin.
Walking distance lang naman ang village namin eh. Only child lang ako, although mayaman kami ay simple lang ang bahay namin tapos tatlong kwarto lang ang mayroon. Room ko, kay mom and dad tapos guestroom.
Gaya ng sabi ko mayaman kami pero pinapanatili ng parents ko ang simpleng lifestyle namin. Marunong ako sa lahat ng gawaing bahay, minsan namamalengke din ako and all. Wala kaming katulong dahil ayaw ng parents ko.
Hmm, okay lang naman lahat sakin, besides nakakatuwa kayang matuto ng mga bagay bagay.
“Andito na po ako!” masayang sigaw ko pagpasok ko sa loob ng bahay.
“Oh anak andito ka na pala.” Sabi ni mama kaya agad akong bumeso sa kanya. “Hey daddy.” Bumeso din ako kay daddy ng dumaan sya.
“Para san po itong mga kahon?” nagtatakang tanong ko sa kanila. “Ah ito ba? Tulungan mo kaming i-akyat ito sa kwarto mo.”
“Okay po.”
///
Tinulungan ko naman sila mama at daddy na ayusin ang lahat. “Woah, nagyon lang po napansin ah parang lumaki po ang kama ko?” tanong ko sa kanila. Inikot ko din ang paningin ko sa kwarto, malaki ang kwarto ko at may sarili pang banyo sa loob, kung titignan ay pwedeng pang anim ang kwarto ko.
Hmm.. nadoble ang study table, ang drawers even cabinets. Why oh why?
Bumaba na agad ako pat umupo sa harap nila mama at daddy na ngayon ay nakaupo sa couch na mahaba habang nanonood ng t.v.
“Mama and daddy?”
“Yes anak?”
“Bakit? Parang? Dumami ang mga gamit ko sa kwarto?” tanong ko sa kanila.
“Ah yun ba?” sabi ni mama at tumango kay daddy. “Titira kasi dito sa bahay natin ang anak ng best friend ko. Aalis kasi silang mag-asawa at pupunta ng amerika dahil magpapalawak sila ng business since ayaw nilang maiwan ang anak nila mag-isa, nakiusap sila sakin na dumito muna sya sa atin.”
“Eh bakit po sa kwarto ko pa? Eh may guestroom naman po?” alanganing tanong ko. Pano kung maldita pala yun? Pano kung di kami magkasundo?
“Hay ano ka ba naman Cleandrea.” Napangiwi ako sa tawag ni mama sakin. “Clean po mama.”
Nagkibit balikat lang si mama. “Hindi naman naiba samin ang best friend ng papa mo para patulugin pa sya sa guestroom ano. Don na lang sya sa kwarto mo tutal mabait na bata namin yon at isa pa para magkasundo agad kayo. Ayaw mo non para ka ng may kapatid?”
“Eh? Hehehe.” Alanganing sabi ko sabay buntong hininga, oo nga’t im wishing for a sister when I was a kid pero hindi na ngayon. I sigh in my defeat.
Napaangat naman ako ng may nagdoorbell. “Oh andyan na ata sya. Ako na ang susundo.” Sabi ni mama at nagpunta na ng pintuan.
“Paniguradong magkakasundo kayo anak.” Nakangiting sabi sakin ni daddy. “Siguro po hehe.” Sabi ko na lang, hay nako.
Pumasok si mama dito sa living room na may kasamang babae na sobrang pamilyar sakin.
Oh no..
Napaatras ako sa inuupuan ko kahit na wala ng aatrasan habang nakangangang nakatitig sa babaeng nasa likod ni mama.
“Magandang gabi po sa inyo.” Bati nya kay daddy sabay baling ng tingin sakin. “Masyadong pormal iha, wag kang mahiya.” Sabi ni mama.
Tumingin naman sakin si daddy. “Ang pangalan nya ay Alexandra Sison. Same school kayo at same grade diba? Malamang magkakilala na kayo, from now on ay dito na sya titira. Maging mabait ka sa kanya Clean ha?” pagpapakilala ni daddy kay Xandra sakin.
“O – opo.” Alanganing sabi ko sabay tango tango at iwas ng tingin.
The Ice Princess is my roommate, great great!