Chapter 13

1270 Words
Nang makabawi ay agad akong kumalas sa kanya. “Xan-Xandra, ano na – namang trip mo ha?” nilagpasan ko sya pero nagulat na lang ako ng bigla nya akong hilahin paharap sa kanya. “Teka – “ nagulat na lang ako ng itulak nya ako pahinga sa kama at agad na umibabaw sakin. Tinititigan nanaman nya ako ng sobrang lalim tapos umupo sya bigla sa tyan ko. Nagtataka man ay di ko pinutol ang tinginan namin. Pumikit sya at dahan dahang huminga ng malalim. Dumilat sya at nagbalik na ulit sa blangko ang tingin nya. Umalis sya sa pagkakaupo sa tyan ko at nagpunta ng cabinet ko at kumuha ng tshirt tapos sinuot sakin. The whole time ay nakatingin lang ako sa kanya. Pagsuot nya sakin ng damit ko ay agad syang nagpunta ng study table at inayos ang mga gamit nya samantalang ako ay naupo na at tinitignan lang lahat ng kilos nya. “Next time, mag-tshirt ka lagi lalo sa harapan ko or else masa matindi pa dyan ang gagwin ko sayo.” Sabi nya at sinara na ang bag nya. “Anong – anong gagawin? What do you mean by that?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Napaatras naman ako ng bigla syang lumapit, when I say lumapit, super lapit talaga! “Oy ano nanaman to Xandra?” kinakabahang sabi ko. “Why so innocent Clean?” sabi nya at umibabaw na sakin at dahil wla na akong maatrasan ay napasandal na lang ako sa headboard. “You’ll know kapag inulit mo.” With that ay iniwan nya na akong nakanganga dito. Huh? Ano ba kasi yon? Why those words seems new to me? Ugh! Curious ako! “Oy Clean. Kanina ka pa lutang. Lunch na di ka ba kakain?” nabalik ako sa realidad ng sikuhin ako ni Stella. “Uh, oo, oo. I mean, okay, sige. Okay.” Napaface palm ako ng marealize ko kung anong klaseng sagot ang binigay ko kay Stella. Nako naman! What the? Natapos na ang first half ng wala akong naiintindihan?! Nagtaka naman ako ng biglang hawakan ni Stella ang noo ko at ng hahawakan na nya ang leeg ko ay agad kong hinawakan ang kamay nya. “Bakit?” tanong ko sa kanya. “Namumula ka Clean, may sakit ka bang baliw ka?” nagtatakong sabi nya. Ano? Namumula ako?! Si ano kasi eh.. With the thought of her ay agad akong napalingon sa pwesto nya pero agad ding nabalik ang tingin ko kay Stella ng makita kong nakatingin din sya sakin. Get a hold of yourself Clean! Ano ba?! Agad kong hinatak si Stella palabas ng maramdaman kong nakatingin pa din sya sakin. “Oy Clean dahan dahan naman! Akala ko mababali na buto ko eh!” sita sakin ni Stella. “Wahahaha! Sorry na, mag-gatas ka din naman kasi ng tumibay yang buto – Gosh!” napatalon ako sa gulat ng may sumigaw ng pangalan ko. Wait.. sya yung babae! Sya yung babaeng tinulungan ko last time. Lumapit agad sya samin at nagbow sa harap ko. Lahat naman ng tao sa paligid ay nakatingin dito samin. Nilingon ko si Stella na may pagtataka sa mukha, nagkibit balikat naman sya. “Miss Clean, gusto ko po sa – sana na makabawi po sa inyo po dahil po sa pag – tunog, I mean tulnog nyo p – po sakin last time. Okay lang po ba n – na yayain kayo.. kayo na maglunch?” sabi nya sabay angat ng mukha nya. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. “Basta ba libre hindi ako tatanggi.” “TALAGA PO?! SALAMAT!!” malakas na pagkakasabi nya. “Haha oo basta hinaan mo boses mo ha? Tumango tango naman sya at nauna ng lumakad na sinundan ko. “Kita kits na lang tayo mamaya Stella baby!” sigaw ko kay Stella tapos nagflying kiss pa. Natawa naman ako ng magmukha syang dragon at sumigaw pa ng pagkalakas lakas na.. “BALIW!” sus! /// “Woah, sobrang fancy naman dito.” Comment ko pagkaupo ko. Dito ako dinala ng batang to sa isang super mamahalin na restaurant. Guess what? Mayaman pala ang batang ito. Wag ka, nakalimousine pa akming umalis ng school ah. “Um.. gusto ko po kasi sana na perfect po ang lahat kapag niyaya po kita.” Sabi nya habang namumula ng matindi ang buong mukha nya. Okay? Bakit kailangang namumula pa? “Ganon ba?” tapos ngumiti ako sa kanya. “Ah.. eh ano po, order na po tayo sige na po.” Natatarantang sabi nya kaya natawa ako ng mahina at umorder na. “Oy bata.” Tawag pansin ko sa kanya. “Po?” “Kanina pa tayo magkasama pero di pa kita kilala.” Sabi ko sa kanya. “Opo pasensya na nakalimutan ko pong magpakilala.” Sabi nya tapos ngumiti ng malaki. “ Ako po si Ashley Valdez, fourteen years old at sophomore po. Kayo pong magkakaibigan ang idol ko pero ikaw po talaga ang pinakahinahangaan ko.” Tapos nagbow pa sya ng dalwang beses at pag-angat nya ay sobrang pula pa ng mukha nya. “Ngeks? Iba na lang i-idol mo, puro kami pasaway baka mahawa ka pa.” nagtaka ako ng paulit ulit syang umiling. “Hindi po yan totoo! Ang bait bait nyo nga po eh tapos tinulungan nyo pa po ako.” Tumango tango naman ako at kumain na kasabay nya. Natigilan ako sa pagkain ng may maalala ako. “ Wait, Valdez ang surname mo?” tanong ko sa kanya tapos tumango naman sya. “Yung family na may-ari ng Valdez Medical Group, yung may-ari ng mga Valdez Medical Hospital?” naamaze na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya. “Opo, alam nyo po ba, idol na idol ko po talaga si Doctor Cleopatra Logan kaya po paglaki ko magiging neurosurgeon din po ako.” At kilala nya din si mom? Woah. “Good yan, wag mong bibitawan yan ha.” Nakangiting sabi ko sa kanya. After kumain ay agad na kaming bumalik sa school. “Hey Ashley, salamat sa lunch ha? Pero sana next time sa mas simple na okay?” tapos ngumiti ako sa kanya, nagtaka naman ako ng parang nagtwinkle twinkle yung mata nya at namula nanaman sya. May.. may nasabi ba akong sobrang ikinatuwa nya? “Ashley?” Tumango tango sya. “Walang anuman po tara hataid na po kita.” At kahit nakipagtalo ako ay masyado syang makulit kaya hinayaan ko dahil baka mahuli kami sa second half. Whileon our way to my building ay humawak sya sa braso ko, tumingin ako sa kanya at kitang kita ko namang sobrang masaya sya kaya hinayaan ko na lang. Papasok na kami ng building ng makita ko na galing sa isang hallway si Xandra at may nakayakap talaga sa braso nyang maliit na babae. When I say nakayakap talaga, as in nakapulupot! She’s the vice of Journalist Club, Valerie Miller, there’s this rumor na since freshmen ay patay na patay na talaga sya kay Xandra pero hindi naman daw binibigyan ng pansin ni Xandra lahat ng trip nya, but seeing them like this. Maybe the rumor is somewhat wrong. Napalingon si Xandra sa gawi ko at nagsalubong ang tingin namin. There’s something with her orbs but I just shrug it off. “Miss Clean, hagdan po or elevator?” since nauna sila Xandra sa elevator ay inakbayan ko na si Ashley papunta sa hagdanan. Habang paakyat ay nilingon ko si Xandra na nakatingin pa din pala sakin ngayon. Tumalikod na lang ako at umakyat na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD