Sinulat ko lahat ng notes na wala ako for the past two subjects habang sinasabay ko ang notes sa kasalukuyang subject. From backdoor ay lumitaw na ulit si Stella na nag-cr kanina.
Siniko nya ako at pasimpleng binigay sakin ang tatlong tuna sandwich. Napangiti naman ako ng malaki. “Kilala mo talaga ako noh?” sabi ko sa kanya sabay pasimpleng nilalantakan lahat ng binili nya.
“Tsk, pasalamat ka nagets kita agad. Kundi baka inaway na kita. Bakit ba kasi di ka nakapaglunch?” tanong pa nya.
“Mahabang kwento, mamaya na.” sabi ko at natahimik na sya.
After ng class ay kinuwento ko sa kanya at para syang tanga na nagpanggap na umiiyak iyak pa. “Ayiee napakabait naman ni Miss Clean. Miss pwede bang sa susunod ako naman po?” sabi ni Stella sabay puppy eyes pa.
“Pakyu ka.” Sabi ko sa kanya na ikinatawa nya. “Andyan na sundo mo, walanjo ka! Buti di kita makikita ng weekends!” sabi ko sabay hampas sa braso nya.
“Aray! Mamimiss mo ko Clean! Tatawagan mo ako panigurado yan!” sigaw nya habang papalayo.
“Mababasag muna cellphone mo bago mangyari yon!” sigaw ko naman sa kanya sabay lakad na palabas ng gate. Makauwi na nga ng maaga.
On my way home ay may nakita akong nagtitinda ng fishball, woah! Tagal ko ng di nakakakain nito ah!
Dumiretso agad ako don at tinignan mabuti ang lahat, mukha namang malinis tapos maayos din si manong. Okay to. “Manong pabili po.” Sabi ko sabay kumain ng kumain. Ang sarap ng timpla nya ng sauce!
“Bakit di ka pa umuuwi?” tanong ng isang cold na boses. Eh?
“Oh ikaw pala. Gusto mo tikman?” tanong ko sa kanya. “Hindi ako kumakain nyan.”
Napasimangot naman ako sabay tusok ng kikiam at inihipan ito. Dahan dahan ko itong inilapit sa bibig nya habang nakaalalay ang mangkok sa baba in any case na tumulo ang sauce.
“Buksan mo bibig mo, nag-effort ako oh.” Sabi ko sa kanya. Tumingin muna sya sakin then sa kikiam, “Okay.” Sabay bukas ng bibig nya.
Napangiti naman ako ng mukhang nagustuhan nya. “Masarap?” tapos tumango pa sya at mas lalo pang lumaki ang ngiti ko.
“Oh eto.. eto tikman mo pa.” then pinatikim ko din sa kanya ang fishball, squidball, chickenball, kikiam, pati na din yung kwek kwek kasama pa yung lumpiang toge.
After kumain ay sabay na kaming naglakad pauwi. “Ano paborito mo sa mga yon?” tanong ko sa kanya.
“Masarap yung kikiam at toge.” Sagot nya na ikinangiti ko. “Nice pareho pala tayo ng paborito.”
“Teka, alam mo ba yung park dito sa loob ng village?” tanong ko pa sa kanya. Umiling iling naman sya.
“Sumunod ka sakin ipapakita ko.” At nauna na akong lumakad sa kanya.
Pareho kaming umupo sa swing at saktong sunset pa at mula dito ay kitang kita ang papalubog na araw.
“Pwede mo akong tawagin sa pangalan ko.” Sabi nya na ikinakunot ng noo ko. “Pansin ko lang kasi never mo pa akong tinawag sa pangalan ko, palagi na lang Ice Princess.” Now that she mention it.
Oo nga noh.
Ever since ay di nga ako naging vocal sa pag tawag ng pangalan nya. Laging nasa utak ko lang whenever I mention her name. Since freshmen din ay di ko pa nabanggit ang name nya.
I wonder why? Bakit kaya? “Sige sabi mo eh.. Xandra.” Bakit parang nakiliti yung dila ko sa pagbanggit ng pangalan nya? Weird.
Napatingin naman sya sakin ng may kakaibang expression, ano kaya yun? “Pwede mo din akong tawagin sa name ko. Wag lang Cleandrea ha, mas prefer ko ang Clean talaga.”
“Okay Clean. Uwi na tayo.” Napangiti naman ako ng marinig ko ang pangalan ko mula sa bibig nya at saktong pagyaya nya ay dumilim na ang paligid.
///
“Xandra.” Tawag ko sa kanya habang nagtutupi ng damit. “Bakit?” sagot nya habang nakatalikod sakin. Hays sabi ko ayoko ng kinakausap ako ng nakatalikod eh.
“Xandra.” Tawag ko ulit. “Ano?” humarap sya pero agad ding tumalikod. “Bakit ba di ka makaharap?” naiinis na tanong ko sa kanya.
Narinig ko naman syang bumuntong hininga.
“Pwede ba Clean? Magsuot ka naman ng t-shirt.” Sabi nya.
Tinignan ko naman ang kabuohan ko, okay naman ah? Naka-sports bra naman ako kahit papano, tapos expose yung abs ko.
“Bakit? Wala namang mali sakin ah?” napatingin na lang ako sa kanya ng gumalaw ang upuan nya at tumayo sya palapit sakin.
But my instinct tells me to step back so I did.
At ngayon ay nakasandal na ako sa pader habang sya ay nasa harapan ko mismo. “Xa-Xandra? Ano bang trip mo?” kinakabahang tanong ko sa kanya.
Inilagay nya ang isang kamay nya sa pader sa gilid ng pisngi ko samantalang hinawakan naman ng isa nyang kamay ang kamay ko at itinaas sa bandang uluhan ko.
“Wala ngang mali sayo. You are perfectly hot with that body Clean.” Sabi nya habang deretso na nakatitig sa mga mata ko.
“Uh.. um.. ah. Thanks? Sige layo ka na hahaha.” Syet! Tense na tense naman yung boses ko ano ba yan!
Naputol ang paghinga ko ng inalis nya ang kamay nya sa pader at hinaplos pataas ang abs ko. “Xandra? Inggit ka ba sa abs ko? Sabihin mo lang tutulungan kitang magka-abs.” joke ko na mukhang hindi joke kasi di manlang sya nag react at nakatitig lang sakin.
“Di ko naman kailangan ng abs.” napatingala ako ng bigla syang yumuko sabay dinilaan ang leeg ko.
Todo kagat naman ako sa lower lip ko, damn! Diba sabi ko nga malakas kiliti ko sa leeg?! Feeling ko nanghina tuhod ko sa ginawa nya.
“Namumula ka Clean.” Sabi nya na ikinalaki ng mga mata ko. “Malamang – Ahh..” ungol ko ng dilaan nya nanaman ang leeg ko. Damn!
Natulala ako ng kasabay ng pag moan ko ay hinalikan nya ako sabay pasok ng dila nya sa bibig ko.
Naisahan nanaman ako!