Alexandra’s POV
Buong performance nila ay nakatitig lang ako sa kanya. Kung pwede lang sanang di kumurap ay hindi ako kukurap para lang mapagmasdan ko sya.
She’s so cool. Ang galing nyang sumayaw tapos nagback flip din sya na ikinahiyaw ng buong crowd.
Bago matapos ang performance ay nagflying kiss pa sila sa lahat pero sa kanya lang ako nakatingin. Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko at humawak sa puso ko, my heart is beating so fast.
What is happening to me?
Nagresume ang program na wala na akong natype na kahit ano sa tablet ko.
///
Two months flies so fast at kahit isang beses ay di ko na ulit sya nakita. Lagi din akong nasa Journalist Club and they are planning to make me the president next year. Okay lang naman sakin since wala naman akong ginagawang iba .
“MISS CLEANDREA LOGAN!” napaangat ako ng tingin at pasimple kong tinanggal ang earphone ko sa kanan kong tainga ng malakas na sumigaw ang teacher namin.
Dito ako nakaupo sa unahan malapit sa pintuan not minding everyone around me. “ANONG GINAGAWA MO DYAN SA BINTANA?! Are you going to cut my class?!” galit na sigaw ng teacher namin.
That name, sya nanaman ang pinapagalitan, mula ng mapunta ako dito sa room na to ay lagi kong naririnig ang pangalan nya na laging tinatawag ng teachers pero kahit minsan ay di ako lumingon.
“Miss Cleandrea Logan! Bumaba ka dyan!” napabuntong hininga ako at lumingon na.
Nagulat ako ng marealize na ang babaeng hinahanap ko through these months ay kaklase ko pala. She’s at the last row seating next to the window.
Bumaba sya at kamot ulong tumingin kay Miss. “Eh Miss hindi naman po ako magka-cutting!” she hissed while looking to the girl beside her na pulang pula na sa sobrang pagpipigil na tumawa.
“At anong ginagawa mo at nakabitin ka dyan sa bintana? Miss Logan, nagsusulat lang ako dito sa board at hindi iyon dahilan para umalis ka sa klase ko.” Nakapamewang na sabi ni Miss.
So she’s the troublemaker? Interesting, ano pa bang mayroon sya? She’s full of surprises.
“Miss ganito po kasi yan, nalaglag po ang lapis ko at kukunin ko lang po sana at iyon po nahuli nyo na ako ta-da!” bored na pagkakasabi nya.
“Aba – “ pinutol nya ang sasabihin ni Miss. “Sige na po Miss aalis na po ako ng matiwasay. Mamimiss ko kayo classmates sa guidance lang ako ha!” tapos ngumiti pa sya ng malaki at kumaway sa lahat then lumabas na sya.
Naiwan naman si Miss na galit na galit.
Woah I didn’t expect she’ll do that.
///
Isang linggo na simula ng magstart ang sembreak and I feel so lonely even more. Hindi ko nakikita si Clean.
This past few months ay talagang naging libangan ko ng panuorin ang daily routine nya. Ang panggugulo nilang magkakaibigan sa school, sa student council and even sa teachers.
They also do silly things not minding everyone around them; they’re just doing what they want to do. Napanood ko din ang labas pasok nilang magkakaibigan sa guidance office pero mas madalas talaga sila ni Stella dahil nasa ibang section yung dalawa nilang kaibigan.
I feel contented na pinapanood lang sya sa malayo in a way na hindi mahahalata ng kahit na sino. Hindi naman ako 24/7 na nakasunod sa kanya, of course I also have my duties. But every time na may sayaw sya I always make sure that my time is always vacant.
Aside from her being the troublemaker and the cool dancer, she’s also smart. Hindi nya hinahayaan na bumaba ang rank nya sa buong school. Just by looking at her, hindi nya pa sineseryoso ang pag-aaral pero nasa rank five sya.
Maya maya lang ay pumasok na ang mga mag-aayos sakin para sa makasama ako sa parents ko sa isang meeting. Sa isang private room kami pumasok at sa loob non ay naghihintay din ang mag-asawang business partners nila together with their son.
I knew it, their planning to set me up. I wait for the right time to exit at ng sabihin nila ang plano nila na i-hook up ako don sa lalaki na kanina pa ako binibigyan ng titig na di ko maintindihan ay agad akong umalis at bumalik sa sasakyan.
We had a fight that night and somehow they manage to convince me to go on a date with random guys basta daw kapag ayaw ko ay sabihin ko lang sa kanila at hindi na nila ipipilit.
Hindi ko mabilang kung ilang beses na akong nakipagmeet sa mga anak ng partners nila. Every meeting ay nagbabasa lang ako ng books kaya hindi din mahirap sa part ko dahil yung mga lalaki na din ang nagka-cancel dahil sobrang boring daw akong kasama at hindi nagsasalita.
Then one day habang naglalakad ako sa hallway ng school ay na-overheard ko ang conversation ng mga babae about kiss. Sabi nila sa pamamagitan daw ng kiss ay mae-express mo ang feelings mo sa isang tao, they also said that through kisses ay malalaman mo kung may feelings din ang taong yun sayo.
Sabi din nila ay masarap daw ang kiss lalo na kapag galing sa taong gusto mo o may gusto sayo. Then, the first person that popped in my head is her.. none other than Cleandrea Logan. Would she feel what am I feeling towards her if I kiss her?
But she might creep out if I suddenly kiss her out of nowhere so I never tried to do it.
Bakasyon na at sa pasukan ay grade nine na ako, ang bilis ng panahon pero hindi ko ‘to namamalayan lalo na kapag andyan sya sa paligid. But this vacation sucks, I badly want to see her but I don’t know her address tsk.
Then I met this playboy son of their partner. He likes bugging me and pissing me off every time we met, ginagamit nya din ako para ipagtabuyan ang mga babaeng napaglaruan na nya at paulit ulit syang ginugulo.
Walang kang maipipintas sa mukha nya dahil sobrang perfect lalo kapag prince ang hanap mo pero para sakin? Wala syang dating, he’s just an ordinary person.
And one time he tried to kiss me at nasundan pa iyon pero hindi nya ako nahalikan until he cornered me in his car. He said that I should satisfy him by staying beside with a boring girl like me, he’s furious at that time plus the fact na nag-away din sila ng parents nya.
He slapped me and I lose my consciousness. Nagising ako sa pagtapik nya sa pisngi ko at paulit ulit na nagsorry, sa unang dilat ko ay akala ko sya si Clean.
Si Clean ang nakikita ko, yung unang beses na nagkita kami, yung pagligtas nya sakin at higit sa lahat ay ang ngiti nya.