Kakatapos ko lang magjog at kasalukuyang nag-stretching dito sa park. It’s Saturday morning at hanggang ngayon ay gloomy pa din ako tsk. Okay lang naman na makipaghalikan sya eh wag naman sana yung ipapakita nya pa sa harap ko. Damnit! I think kailangan ko ng alisin ng bad vibes sa katawan ko at bumalik sa dating Clean na masaya lang at walang Xandra sa sistema. After kong mag-unat unat ay umuwi na ako at agad nadatnan si mama na nagpapalaman ng pandesal habang naka-upo naman si dad. “Andito na po ako.” Nakangiting bati ko. “Oh anak may good news ako sayo.” Nakangiting sabi ni dad sakin. “Kasi – “ naputol ang sasabihin ni dad ng may nagdoorbell. “Ako na.” sabi ni mama na ngiting ngiti. “Dad, anong mayroon? Bakit sobrang saya nyo ata ni mama?” tanong ko kay dad na ngayon ay nakain na.

