“Clean oh, tubig mo.” Sabi ni Kyla sabay upo sa tabi ko. Ngumiti naman ako sa kanya at inabot yun. “Salamat.” “Clean alam mo ang gloomy mo lately, may problema ka ba?” sumandal naman ako sa balikat nya. “Wala ‘nay, masyado kang nag-aalala.” Sagot ko sa kanya. And as expected, tinulak nya ako kaya nalaglag ako sa bench habang tumatawa dahil pikon na pikon yung mukha nya. “Gago ka talaga dyan ka na nga!” tapos iniwan nya akong tumatawa. “Loko ka talaga Clean.” Napalingon naman ako sa likod ko at kitang kita ko na umiiling si president habang nakalahad ang kamay nya. Ngumiti naman ako at inabot yung kamay nya kaso patayo na ako ay na-out of balance sya at napahiga sa ibabaw ko. “Yung totoo president? Akala ko itatayo mo ako? Sabi na bet mo talaga ako eh!” pang-aasar ko pa kay preseident.

