Nangabayo lang kami papunta dito sa farm at dahil isa po atang dakilang bahay at school lang si Xandra ay hindi po sya marunong mangabayo. Kaya sa iisang kabayo lang kami sumakay at masasabi kong isa syang dakilang tukso, tukso sya!
Inalalayan ko sya paakyat at habang tumatakbo ang kabayo ay hindi pa talaga nagtali. Yung amoy ng buhok nya amoy na amoy ko at super bango tapos yung leeg nya.. ang puti parang gusto kong hawakan.
But no! Nagtagumpay ako at nakarating dito sa farm na walang ginagawang masama wahaha!
Nagselfie ako ng tatlong beses at syempre tinignan kong maigi kung nahagip ba si Xandra baka kasi pag pinakita ko to kay Stella magtaka sila. Hindi ko pa kasi nakekwento na samin nakatira si Xandra eh.
Kinuha ko na ang pangsungkit sa mangga at humanap ng puno na maraming bunga. Gusto ko kasing tumulong sa pagharvest ng mga tanim namin dito.
Pumwesto na ako at lahat ng nakukuha ko ay inaasikaso ng isa naming trabahador. “Ma’am Clean.” Rinig kong tawag sakin ni kuya. “Yes po?”
“Eh baka gusto hong tumulong ni ma’am kanina pa po kasi sya nakatingin sa inyo eh.” Nakangiting sabi ni kuya sabay balik sa pag-aayos ng mga sako.
Napalunok naman ako at dahan dahang lumingon kay Xandra na nasa malapit lang. “Nakatingin ka daw sakin?” tanong ko sa kanya.
“Hindi sayo. Dyan sa ginagawa mo, pwede mo ba akong turuan?” natawa naman ako ng alanganin, syet ka kuya pahamak ka! Bakit naman nga ako titignan ni Xandra?! Tsk.
“Sabi ko nga. Tara dito tuturuan kita.” Lumapit naman sya at pinahawak ko sa kanya yung pangsungkit. Pumwesto ako sa likod nya at inalalayan sya na hawakan yung kahoy.
“Ganito, ishoshoot mo sa basket sa taas yung gusto mong pitasin, tapos dahan dahan mong itaas para matanggal sa puno yung mangga at mashoot sa basket. Ganyan, tapos ibaba mo din dahan dahan papunta kay kuya para sya na ang bahala sa mga napitas mo. Okay?” turo ko sa kanya.
“O-okay. Pwede bang.. pwede lumayo ka ng konti? Kasi.. sobrang lapit mo.” Utal utal nyang sabi. Huh? At ng marealize kong halos nakayakap nga ako sa kanya ay agad akong dumistansya. Lumingon naman ako sa paligid sabay hawak sa puso ko.
Nababaliw na ata ako! Bakit ganito? Allergic ata ako kay Xandra! Kasi kada lalapit ako sa kanya bumibilis ang t***k ng puso ko tapos natataranta pa ako. Gosh, pwede pala yun maallergy ka sa isang tao?
Edi kapag nagkataon baka kapusin na ako ng paghinga tapos tapos.. waaah! Ang cause of death ko ay dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso kapag malapit kay Xandra?! Napaka unbelievable namana nun!
Umiling iling ako at tinignan na lang mabuti ang ginagawa nya. Okay, wag akong tanga walang ganong allergy baka ano lang.. ano.. basta!
Ng magsawa sya ay dumiretso kami sa mga mais pero hindi na kami pinalapit nila kuya don dahil baka mangati daw kami kagaya ng nangyari sakin nung huling punta namin dito. Aba malay ko ba naman na makati pala sa balat.
Tumingin lang din kami banda sa bayabas dahil hindi ko talaga gusto ang amoy non kaya dito na kami nagbabad sa kamoteng kahoy. “Miss Clean! Tutulong po ba kayo sa pagbunot?” tanong ni tay Pedro na kasalukuyang may tulak tulak na sako.
“Gusto mo bang subukan?” tanong ko kay Xandra. “Okay lang naman.” Matipid na sagot nya. Kagaya kanina ay tinuruan ko ulit sya pero di na ako lumapit sa kanya ng sobra. Nice ang talino ko talaga!
Ng malapit ng mananghalian ay nagpunta kami dito sa gripo at sabay nanaghugas ng mga kamay para makasama kami sa boodle fight. “First time mo?” tanong ko sa kanya. Tumango lang sya at nagpunas na ng kamay.
Sumunod kami agad sa mahabang lamesa at sa bandang dulo kami pumwesto. Nagpray muna ang isa sa kanila at lahat kami ay kumain ng naka-kamay.
Sa kanan ko ay si nay Ising tapos si Xandra sa kaliwa ko then yung iba nasa side na lahat ni nay.
“Hindi ka marunong?” pabulong na tanong ko kay Xandra. Umiling naman sya kaya tinuruan ko sya, one thing is for sure, sobrang bilis nyang matuto ng mga bagay bagay. Tingin ko habang tumatagal ay maeenjoy ko na din ang existence nya.
Natawa na ako ng mahina ng sa pangatlong subo nya ay sobrang kaunti pa din ng nakakain nya. “Tinatawanan mo ba ako Clean?” napipikon na bulong nya sakin.
Kinagat ko naman ang lower lip ko at umiling dahan dahan. “Tsk.” Aalis na sana sya pero pinigilan ko sya. “Ahh.” Sabi ko na ikinakunot ng noo nya.
“Wala tayong makakain sa bahay kapag umuwi tayo. Sama sama lahat kumakain dito, kaya sige na ako na magpapakain sayo para di ka magutom.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
Natulala sya saglit sakin pero.. “Hindi na ako bata.” Matigas na sabi nya at humakbang pero dahil mas mabilis ako ay agad kong hinawakan ang bewang nya palapit sakin.
As in nakadikit na sya sakin at nakahawak ako sa bewang nya. Wow, may curve. “Buksan mo na bibig mo bago pa nila tayo mapansin.”
“Pero – “ sinubuan ko na agad sya para di na sya makapagsalita pa tapos sumubo na din ako gamit ang kaparehong kamay. “Yan yung pinag – “ I cut her off.
“Xandra, magugutom ako pag pinauna kita. Mas mabuti na ‘tong sabay na tayo diba? Oh buksan mo ulit bibig mo.” This time ay hindi na sya nagreklamo at nakatapos kami ng pagkain kasama ng iba.
“Para ka palang bata Xandra.” Natatawang sabi ko sa kanya habang papalapit kami sa kabayo. Nagtaka naman ako ng di sya sumagot at tumingin sa malayo kung san di ko makikita yung mukha nya. Anong trip nito?