Andito na kami ngayon sa expressway at kasalukuyan akong nagdadrive ng dire-diretso. Hindi din ganon kadami ang sasakyan kaya mas maganda magdrive ng ganito.
Inabot ko ang radio para sana i-on kaso napansin kong tulog pala si Xandra kaya di ko na lang ginawa.
Pano na to? Sobrang tahimik, nakaka-antok pa naman din pag ganito baka ako antukin eh!
Natigil ako sa pag-iisip ng may narinig akong parang may tumutunog. Huh? Okay naman yung mga pako ah? Binagalan ko ng konti ang pagpapatakbo at sumenyas na kakanan para makapagpark sa emergency parking na malapit na.
Habang itinatabi ang sasakyan ay nakita ko na kung ano yon, umm.. yung ulo ni Xandra nauuntog na sa bandang bintana. Ano bang trip nito? Hindi manlang nagising?
Bumaba ako at kumuha ng isang unan sa back seat. Pagpasok ay dahan dahan kong hinawakan ang pisngi nya at naglagay ng unan sa ulo nya at don ko na sya isinandal.
Alexandra Sison.
Maganda talaga sya kahit hindi sya palangiti kaso, mahilig manghalik eh. Napailing na lang ako ng mapatingin ako sa lips nya. Clean, get a hold of yourself!
Huminga ako ng malalim at nagsimula na ulit magdrive.
You are an angel
Making all my dreams come true tonight
Take a look at me so you can see
How beautiful you are
Your beauty seems so far away
I'd have to write a thousand songs to make you comprehend how beautiful you are
I know that I can't make you stay
But I would give my final breathe to make you understand how beautiful you are
Understand how beautiful you are
You call me a stranger
You say I'm a danger
But all these thoughts are leaving you tonight
I'm broke and abandoned
You are an angel
Making all my dreams come true tonight
You call me a stranger
You say I'm a danger
Sabi ko nga at hindi din ako nakatiis at nagpatugtog ako na ako dahil nakakaantok ang sobrang katahimikan. Goodness dahil mukhang mas napasarap naman ang tulog nya dahil sa sunod sunod na malumanay na kanta.
“Xandra.” Tawag ko sa kanya sabay busina sa isang mataas na gate na nasa harapan ko. Hinawakan ko ang balikat nya at dahan dahan syang inalog. “Xandra, gising na. Andito na tayo.”
Pagbukas ay agad ko ng pinasok ang sasakyan at pinark. Humarap ako kay Xandra para sana gisingin ulit sya kaso ang sumalubong sa mga labi ko ay ang..
Index finger nya. Ano? Akala nyo lips? Lately kasi behave to si Xandra at di ako pinagtitripan eh. “Okay na. Gising na ako. Salamat sa unan.” Sabi nya sabay haplos ng thumb nya sa lower lip ko at bigla na lang lumabas.
Naiwan naman akong tulala dito sa loob. Kakasabi ko lang na behave sya diba?! Okay! Binabawi ko na! Mapang-trip pa din sya!
Bumaba na agad ako at hindi sya tinignan. “Nay Ising!” sigaw ko sa pangalan ng isang may katandaang ginang na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng pintuan ng villa.
Tumakbo agad ako sa kanya at yumakap. “Namiss ko po kayo nay.” Nakangiting sabi ko tapos nagmano ako sa kararating lang na si tay Pedro.
“Oh Clean, tumangkad at lalo kang gumanda ah?” papuri ni tay pero tinawanan ko lang. Naramdaman ko naman na nakatayo si Xandra sa likod ko kaya tumabi ako sa kanya.
“Nay Ising, tay Pedro, ito nga po pala si Xandra. Anak po sya ng best friend ni dad. And Xandra, si nay Ising at tay Pedro, sila yung sinasabi ni mama.” Nagmano naman si Xandra sa kanila at binati sila sa pinakapormal na paraan. Napaface palm naman ako.
Sumunod ako sa kanila ng pumasok sila at dumiretso sa kusina. Pinaghain kami ni nay Ising at ng akmang susubo na ako.. “Nako Clean sobrang pormal naman ng kasintahan mo.” Sabi ni nay Ising na ikinaubo ko ng matindi kahit wala pa naman akong nakakain.
Nakita ko namang yumuko si Xandra. Ano kaya yon? “Oh Clean dahan dahan naman di ka pa nga nakakasubo?” sabi ni nay habang hinahaplos ang likod ko.
“Nay unang una po sa lahat hindi ko po sya kasintahan, okay po? Anak po sya ng kaibigan ni dad.” Paliwanag ko pero ngumiti lang si nay.
“Eh bakit kung magkatinginan kayo parang may ibig sabihin?” my instinct tells me to look at Xandra so I did, kitang kita ko din na nakatingin sya sakin kaya agad akong nag-iwas. “Nay hindi po kaya!”
“Clean, bakit namumula ka?” biglang tanong ni tay pagpasok nya sa kusina. Badness! Pinagtutulungan ako!
///
Tinignan ko ang kabuuhan ng buong paligid ng kwarto ko dito sa villa. Mas malaki ito ng tatlong beses kung ikukumpara sa kwarto ko sa village.
May isang malawak na ocean blue na king size bed sa gitna. May walk-in closet at banyo din dito sa loob tapos mayroon ding napakalaking bintana na kung saan matatanaw ang malawak na palayan pati na din ang farm.
PInag-iisipan ko pa nga kung papalagyan ko ng balcony dito pero parang kuntento na kasi ako sa view. Yung kila mom and dad kasi sa kabilang side ng villa ay mayroon pero.. basta next time ko na lang pag-iisipan.
“Mukhang magkasama pa din tayo sa iisang kwarto hanggang dito.” Sabi ni Xandra na ngayon ay kalalabas lang mula sa banyo.
Nakasuot sya ng brown na checkered na polo na nakatupi hanggang siko tapos dark brown na pants at nakabota na rin sya. Ang.. ang ganda nya para syang cow girl sa porma nya ngayon.
“Clean? Clean? Andyan ka pa?” nabalik ako sa realidad ng magsnap sya sa mismong mukha ko. “Done checking me out?” sinimangutan ko agad sya sa sinabi nya at agad ng naglakad papunta sa banyo.
“Hindi kita tinitignan! Asa ka!” sigaw ko sa kanya mula dito sa loob ng banyo. Nakakahiya!
Sa limang guestroom ba naman ay walang nakitang susi si nay kahit isa, nakalimutan nya daw kung san nya nailagay at ang hawak lang daw ni tay Pedro ay ang susi dito pati kila dad.
Bakit parang planado itong trip na to?