Nakarating kami dito sa beach party ng resort at sa kamalas malasan naman ay saktong lakas ng speaker at sayawan ng mga tao kasabay ng pagtutulakan nila sa labis na kasiyahan kaya ngayon ay si Stella ang kasama ko. In short, nagkahiwa-hiwalay kami! “Damn f**k!” cussed ni Stella sabay hatak sakin sa gilid. “Piste! Amoy alak at sigarilyo!” reklamo ko sabay rub ng ilong ko. “Dala mo phone mo?” tanong ni Stella sakin na agad kong ikinailing. “Pano yan?” sagot nya na namomoblema. “Ano pa?! Edi search mode while partying!” sabi ko sa kanya sabay taas baba ng kilay na agad nyang sinang ayunan. Tumakbo kami at pilit na nakisiksik sa mga tao para makapasok sa resort. “Tingin mo nandito sila?” tanong ko kay Stella. “Ewan ko?” siniko ko sya ng may makita akong nakakaloka. “Si Valerie ba yan?”

