Tapos na kaming maglunch lahat at masarap naman kahit papaano ang niluto nila Florintina, Valerie, Paper Girl, Jewel and Ashley. Originally daw ay dapat yung tatlo lang ang magluluto pero since nagkusang tumulong yung dalawang bata ay hinayaan na nila. Sila Florintina, Valerie and Paper Girl pala ay mga anak ng mga matatagumpay na chefs dito sa bansa, bukod don ay kanya kanya din silang nasa hotel and restaurant businesses at mula bata pa lang daw ay tinetrain na sila sa kusina. “Wow Florintina may talent ka pala ah. Akala ko athletic ka.” Pang-aasar ko sa kanya. Andito kami sa living room lahat dahil hindi hinayaan nung tatlo na makaalis yung iba dahil nga.. trip ito at hindi kanya kanya duh! Mayroong tatlong long couch at sa left couch ay ang dalawang bata, sa right ay si Florintina

