Nakapagtago ako sa malayong lugar, sa isang probinsya na hindi kilala ng kahit sino, sa isang baryo na walang masyadong tao, walang masyadong ingay, walang masyadong buhay. Nagrenta ako ng maliit na apartment sa second floor ng isang lumang building, ang kuwarto ay may isang kama lang, isang maliit na kusina, isang banyo, at isang maliit na sala na may lumang sofa at isang maliit na TV. Simpleng buhay. Tahimik na buhay. Nag-iisa. Ang mga araw ko ay pareho lang. Gumigising ako nang walang dahilan, kumakain ng kaunti dahil wala akong gana, at nanonood ng TV o nakahilata lang sa kama, nakatitig sa kisame, nag-iisip ng lahat ng nangyari, kinuwestyon ang lahat ng ginawa. Ang gabi ay mas malala. Ang gabi ay ang oras kung saan ang lahat ng imosyon ko ay lumalabas, kung saan ang guilt at regret

