Agad na tiningnan ng binatang si Van Grego ang nasabing kumikinang na bagay. Tila ba isa na namang misteryo ito para sa kaniya. Nawala na rin ang kaniyang sariling napakaraming pigura matapos mawalan ng bisa ang kaniyang pambihirang Auxiliary Skill na tinawag na Myriad of Million Images Agad niyang pinalitaw ang kaniyang Book Artifact na siya namang mabilis na lumitaw sa kaniyang harapan. "Suriin mo nga kung ano ang bagay na yan." Sambit ng binatang si Van Grego sa nasabing Book Artifact habang nakatingin ito sa kumikinang na bagay. "Scanning... Processing... Analyzing... Completed! That thing are very valuable item. It is called Metal Pieces which based on its name origin. This can increase your understanding about metal. Once you absorb it, spiritual attacks will reduce depending on

