Ayaw niya ring maging pabigat sa kahit na sinuman sa kasamahan o magiging kakampi niya dahil hindi niya gustong umabot sa puntong pati ang mga ito ay madamay sa kapalpakan o pagiging mahina niya. Hindi namalayan ng binatang si Van Grego na naglalakad na siya sa pangalawang ruta o daanang napili niya. Hindi naman kasi siya yung taong mamimili ng sitwasyon. Alam niyang delikado ang bawat lugar rito at wala siyang pagpipilian kundi ang mabuhay at makalabas ng buhay sa bulubunduking lugar na ito. Kasalukuyang tumatakip silim na ngayon at naramdaman ni Van Grego na kakaiba ang lugar na ito dahil mayroon pala itong sariling araw at gabi na siyang nakakamangha para sa binatang si Van Grego. "Hmmm... Masama ito, sabi sa akin ng mag-asawang One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at

