Isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari sa oras na ito. Ang dalawang Water Blades na papasugod ay bigla na lamang pinuluputan ng Blue Sea Serpent. Isang kakaibang ekspresyon ang biglang gumuhit sa mukha ni Nova Celestine. "Hindi maaari, pa-paanong?!" Sambit na lamang ni Nova Celestine sa kaniyang sarili habang bigla siyang napakuyom. Pinuluputan at pumulupot ng mahigpit ang anyo ng Blue Sea Serpent sa dalawang Water Blades na animo'y hindi ito nasasaktan kahit konti bagkus ay gusto nitong wasakin at sirain ito. BAANNNNNGGGGGGGGG!!!!!!! Isang napakalakas na pagsabog ang nangyari sa himpapawid. Ang nakakapagtaka nga lang ay ni walang makakapansin nito dahil masyadong makapal ang kaulapan at napakabigat ng hangin rito na siyang isang misteryo ng lugar na ito. Matagumpay na nasir

