"One with the Spear?! Hindi lamang iyon sapagkat nasa Master Level na siya. Hindi ko aakalaing mayroong klaseng nilalang na kayang maging isa sa sandata nito!" Gulat na sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan. Tunay na napakalawak ng mundong ito kung saan ay hindi niya aakalaing mayroong nilalang na makikita niyang nasa Master Level. Eh siya nga ay halos wala pa sa kalingkingan ng isang Master Level Spear User na ito. Kaya niyang maging One with a Weapon ngunit napakalayo pa sa Master Level. Kinakailangan niya ng angkop na armas o sandata para masanay niyang lubos ang kaniyang sarili sa paggamit nito isa pa ay kailangan niya din ng malakas na Foundation Technique para sa sandatang napili niya. Isa rin ito sa masakit na katotohanan sa halos lahat ng mga Martial Artists. Maituturing na exten

