Zzzzz....zzzzzzZZZZZ... Naalarma ang binatang si Van Grego nang mawala ang makapal na usok at nakita niya kung paano gumalaw ng gumalaw ang lupa na animo'y unti-unting nagkaroon ng butas-butas ang mga ito. "Hmmm... Talagang tuso at matalino ang halimaw na uod na uto. Binabawasan niya ang layers ng lupa ng sa ganon ay humina at huminto ang kontaminasyon ng lupa dulot ng Soil Contaminating Liquid Pill. Pwes, hindi ko hahayaang magtagumpay ka!" Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang pinalutang ang lalagyan ng Soil Contaminating Liquid Pill sa ere at mabilis siyang nagsagawa ng Fusion Creation Technique. " Lumitaw sa kamay ng binata ang isang kakaibang malaking pana kung saan ay nag-aagay ang kulay asul at kulay pula na animo'y buhay na gumagalaw sa bawat bahagi ng nasabing pana. Napaka

