Nakita na lamang ni Van Grego ang kaniyang sarili na naglalakbay sa kakahuyang walang buhay. Puro mga marurupok na kahoy lamang ang nakatayo at malalaking tipak ng bato. Kapansin-pansin na kulay abo ang lupa na parang ang lahat ng sustansya sa lupa ay walang natira. Nakikita ni Van Grego na masyado namang imposible ang bagay na ito sapagkat napakasagana naman ng Heaven and Earth Qi ngunit ang lupa at kapaligiran ay parang wala ng buhay. Napansin niya rin na mayroong humahalong Dark Essence sa hangin ngunit hindi naman ito dahilan upang mamatay ang sustansya ng lupa. Maya-maya pa ay mabilis na pinalabas ni Van Grego ang Book Artifact sa kaniyang wrist o pala-pulsuhan. Agad namang lumitaw ang libro. "Ano po ang nais niyong malaman Master?!" Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito.

