"Hahahaha... Sino'ng tinakot mo Van Grego?! Sa kasalukuyan mong kakayahan ay siguradong hindi mo mapi-pwersang mapalabas ang pesteng nilalang na iyon. Sigurado ka bang mako-kontrol mo iyon?! Kung masama man akong maituturing ay walang kasingsama naman ang buhay na selyong iyon." Nakangising sambit ni Valc Grego habang hindi nito pinapahalata na kinakabahan at nangilabot siya sa kaisipang balak na pakawalan ng binatang si Van Grego ang pangalawang buhay na selyo. Ang isipin pa lamang ang bagay na ito ay isang nakakatakot na pangyayari para sa kaniya. Sigurado siyang hindi siya pakakawalan ng buhay ng selyong iyon. Natatakot siya, iyon ang nais niyang iparating ngunit kinalaban niya na ang binatang ito at hindi rin naman siya kakampi rito. Lahat ng may kinalaman sa binatang ito ay kaaway niy

