Chapter 84

2062 Words

Napaisip naman si Valc Grego sa sinabi ng binatang si Van Grego. "Oo nga noh." Sambit ni Valc Grego habang marahas itong inalis ang pagkakatapak ng paa nito sa likod ng binatang si Van Grego. Mistulang napadiin pa ang pagkakadapa ni Van Grego at napasalampak siya ng tuluyan sa lupa. "May lahi bang kabute itong nilalang na ito. Mukha ba kong tungtungan ng marumi niyang paa. Hayst, napaka-weirdo talaga nito." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang dahil hindi niya talaga aakalaing susulpot ang nilalang na ito ng walang pasabi. Kung may sakit lamang soya sa puso ay malamang ay tigok na siya ngayon. Sino ba naman kasing mag-aakala na sa napakalayong lugar na ito ay dito pa talaga siya sinundan ng mapagpanggap na nilalang na ito. Hindi kasi nito alam kung sino itong nilalang na ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD