Chapter 113

2031 Words

Mabilis na pinaghandaan ni Van Grego ang pagsugod ng mga halimaw na black Cats sa kinaroroonan niya. "Mga hangal na halimaw na ito. Akala siguro ng mga Black Cats na ito na isang ordinaryong martial artists lamang ako kung kaya't sinugod nila ako ng harap-harapan." Sambit ng binatang si Van Grego nang mapansin nito kung bakit siya sinugod ng grupo ng mga halimaw na Black Cats dahil ang kaniyang sariling enerhiya ay ikinubli niya mismo. Lumitaw sa kamay ng binata ang maliit na espadang tinatawag na Seax. Ito ang isang sandatang pinag-aaralan niyang gamitin na angkop para sa kaniyang sariling estratehiya sa pakikipaglaban. Mabilis na narating ng mga halimaw na Black Cats ang kinaroroonan ng Binatang si Van Grego at mabilis na tumalon ang walong mga Black Cats na siyang naunang nakarating

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD