"Hindi sa ganon ang gustong ipahiwatig aking asawa. Alam mong gusto ko lamang na tuklasin ang mga bagay-bagay katulad nito. Napakalakas ng iyong abilidad at masasabi kong kapag napalakas mo o nahasa mo ang kakayahan mo sa pag-iimbestiga ay siguradong malaki ang tsansa nating malamangan ang mga tusong kalaban natin. Tiyak akong ito lamang ang magiging alas natin para mapaghandaan natin ang pagdating o pagbabalik ng mortal na kalaban natin anumang oras." Sambit ni Ginoong Triper habang makikita ang kaseryosohan sa boses nito at kung paano ito maaaring mapaghandaan nila ang muling pagbabalik ng nilalang na puminsala sa kanila ng malaki. Kapag nauna kasi itong gumaling sa kanila at matunton ang kinalalagyan nila ay tiyak na matatalo sila. Tila ba hindi gugustuhin ng mag-asawang ito ang mangyay

