Mabilis na ipinawalang-bisa pansamantala ng binatang si Van Grego ang paunang harang na nasa entrance mismo. Gamit ang kaniyang sariling natutunang kaalaman patungkol sa array formation ay sisiw na lamang sa kaniya ang ganitong klaseng formation. Wala ng sinayang na oras ang binatang si Van Grego at mabilis na pumasok sa loob ng bulubunduking lugar na noon pa niya nakikita ngunit wala siyang pagpipilian kundi ang pasukin at galugarin ang masukal na lugar na ito. Kung magiging consistent lamang siya sa pag-ensayo mag-isa at pagcu-cultivate ng walang anumang Cultivation Resources ay siguradong hindi siya magtatagumpay sa binabalak nitong maging Martial Sacred Realm Expert sa katapusan ng buwan na inaasahan nito. Ganitong-ganito rin kasi ang problema niya sa loob ng Myriad Painting. Liban l

