"Kung mapapaslang ko ang binatang ito ay malamang ay mas maraming luho ko ang mapagbibigyan ni bossing lalo na sa mga babaeng gusto kong maangkin at magustuhan hehehe..." Ito lamang ang ilan sa mga tumatakbo sa mga isipan ng mga miyembro ng mga bandido. Lahat ay mayroong isang layuning paslangin ang binatang estranghero na si Van Grego na kakatungtong pa lamang sa pagiging Martial Ancestor Realm Expert ngunit iba-iba ang inaasam ng lahat sa mga ito. Mayroong gusto lamang subukan ang galing ng binata at meron ding gustong-gusto subukang makapatay ng isang Martial Ancestor Realm Expert kahit na halos lahat sila ay mga Martial Emperor Realm Expert pa lamang at layunin jilang maging isang Màrtial Ancestor Realm Expert sa hinaharap kagaya ng binatang estranghero na si Van Grego. Agad na makik

