Sa katauhan ng binatang maglalabing-anim pa lamang ang edad nito base sa Skeletal Age o Bone Structure nito ay imposibleng nasa Martial Sacred Realm Expert ito o isang Martial Ancestor Realm Expert. Para sa kanila ay napakapatpatin at lampa ang datingan ng binata na parang kulang sa sustansya ang katawan nito. Magiging katawa-tawa sila kung hindi pa nila ito mapaslang o mahuli man lang. Bandido sila na may prinsipyo st dignidad na ayaw magpatalo sa mga bagong henerasyon. Mas matanda sila sa binatang ito at ang pag-atras ay hindi nila gagawin. Parang tingin nila sa kanilang sarili ay napakataas at ang binatang ito ay walang noble aura silang nararamdaman. Napakaordinaryo, walang awrang makikita sa katawan nito at hindi pa beterano sa pagpatay dahil walang kahit aning savage auras sa paligid

