Nagpadala na din ng Sound Transmitting Talisman ang ibang mga bandidong nagbabantay sa area na ito na siyang border ng Pangalawang ruta at ng kanilang ruta na ginawa nilang tirahan ng kanilang grupo ng mga bandidong tinatawag na Cane Bandits. Nakakabahala ang pangyayaring ito lalo na sa sitwasyon ng binatsng si Van Grego sapagkat ang isang malaking grupo ang Cane Bandits at mas malawak ang sakop nito lalo pa't kuta nila o teritoryo nila ito kumpara sa Green Bandits na nakalaban ni Van Grego ay pawang watak-watak ang mga ito at hindi masasabing nasa permanente silang lugar. Parang samahan lamang ng mga Rogue Cultivators na mga bandido kumpara sa Cane Bandits na isang grupo talaga ang mga ito sa pagkilos at paggawa. Nakatayo lamang si Van Grego habang nakatingin lamang sa malayo. Wala kang

