"Talagang gusto nila akong paslangin. Porket nakikita nila na masyadong hindi epektibo na atakehin ako sa malapitan ay gagamitin nila itong pagkakataon na ito na malayo sa akin hmmp!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikita na i-divert ang kaniyang atensyon sa kanilang atake. Mabilis na lumitaw ang kaniyang limang palaso sa pana habang hinahawakan niya ito. Nag-inject siya ng kaniyang enerhiya at mistulang nagbabagang apoy at nagbabagang yelo ang dulo ng palaso. Kakaiba ito sapagkat hindi ito naging matalim kundi lumubo ang dulo ng kaninang matalim na pana. Naging pabilog ito na animo'y kahit sinong matamaan nito ay hindi mamamatay sa talim nito. Sa dulo kasi mismo ibinuhos ni Van Grego ang enerhiya. Nang makita nila ang itsura ng palaso na nagmaterialize sa mism

