Agad na napahawak si Van Grego ng mahigpit sa kaniyang pana at mabilis niya na lumitaw sa bow strings nito ang isang kakaibang pana. Hindi ito makikita ng sinuman sapagkat isa itong Space Arrow, ito lamang ang kayang gawin ni Van Grego dahil level 2 pa lamang ang kaniyang kaalaman patungkol sa concept of Space. Ang mundong ito ay bilang lamang ang nakakaalam sa ganitong klaseng konsepto at kung malalaman man nila ang ganitong klaseng konsepto ay hindi naman nila ito matutunan sapagkat isa ito sa pinakamahirap na konsepto na iba sa Elemental Concepts. Kahit nga ang Concept of Thunder ay tiyak na walang susubok nito. Kailangan kasi ng special physique na compatible na maaaring maka-absorb ng kidlat papunta sa loob ng iyong katawan. Isa kasing bayolenteng elemento ng mundo ang kidlat. Ang iba

