Hunter kissed her... Again! At sa pagkakataong iyon, ang halik nito ay mapusok, malalim at puno ng init. At yung init na iyon ay nakakahawa, nakakaliyo, nakakawala sa katinuan. Hindi man lang napansin ni Amber na sunud-sunuran na pala siya sa bawat galaw ng malalambot nitong mga labi. Yung tangka niyang pagtulak ay nauwi lang din sa mahigpit na pagkapit sa lantad nitong balikat. Wala sa sarili niyang hinaplos ang makinis na balat nito at dinama ang init na nagmumula sa makisig katawan nito. Hayop sa kamachohan ang lalaking ito. Ang sarap ng katawan! Bumaba ang halik nito sa kaniyang leeg at balikat, pabalik-balik hanggang sa matangay nito ang kaniyang lakas. Saglit itong tumigil para tumingin sa kaniyang mga mata. Namumungay ang mga iyon sa kalasingan—lasing sa init. "Amber..." malam

