"Boss Hunter, iuuwi na ba natin ang babaeng 'to?" biglang tanong ni Felix.
Napabalikwas sa pagkakaupo si Amber at tumingin sa katabi niyang lalaki.
Nasa kahabaan na sila ng highway at no'n niya lang napagtanto na malayu-layo na nga ang narating nila. Malayo na sila sa Manila!
Hala. Baka sa piitan siya dadalhin ng mga ito!
"Itabi niyo ang sasakyan! Bababa ako!" kinakabahang utos niya.
But the man driving is the type of person who doesn't take orders from anyone. Lalo na sa tulad niyang gusgusin at magnanakaw.
"Hoy! B-bingi ka ba?! Sinabing ibaba niyo na ako!" singhal niya ulit sa poging nagmamaneho.
Pero sa halip ay lalo pang binilisan ni Hunter ang pagpapatakbo sa sasakyan.
"Tarantado..." buong gigil niyang bulong at akma na namang sisigaw—
"Kung ako sa iyo, hindi ko gagawin iyan."
Nanigas ang panga niya at kunot ang noong nilingon si Felix. "Bakit?"
"Ayaw niya nang inuutusan. Kaya manahimik ka na lang muna, okay?"
Tumahimik lang din siya saglit pero makalipas ang ilang segundo ay nagsimula na naman siyang mag-ingay. Hindi siya mapakali, eh. Baka kung saan siya dalhin ng mga ito. Baka i-salvage siya!
"Ano ba? I-ihinto niyo ang sasakyan." Kinakabahan na siya nang malala.
Lumiko sila sa isang Villa at pumasok sa bukas na gate. Sa taas nito na nagsisilbing arko ay nakaukit ang salitang GREENHAVEN VILLA. Letiral na green dahil halos napapaligiran ang lugar ng mga naggagandahang garden at mga puno.
Mataas ang bakod no'n na gawa sa makapal na semento at hindi nakikita mula sa labas kung ano'ng kayamanan ang nakatago sa loob.
Bigla silang huminto sa mataas na gate. Nang mapansin ni Felix ang pagkakamangha niyang ay napangisi ito.
"Open sesame," sambit nito kasabay ng pagbukas ng sliding gate!
"Woooaaahh..." Nanlaki ang mga mata ni Amber sa nakita. Nawala ang kaba niya at napalitan ng pagkalugod. 'Napaka-hightech naman! Open sesame ang password huh. Tatandaan ko 'yan,' sa isip niya.
Ang hindi niya alam ay electric gate pala iyon na kinokontrol sa pamamagitan ng remote na hawak ngayon ni Hunter.
Pagpasok nila sa loob ng gate ay bumungad sa kanila ang malawak na harapan ng bahay. Sementado ang buong driveway papunta sa bahay na hindi niya matantiya ang sukat dahil sa totoo lang ay nakakamangha ang haba.
Malawak ang buong nasasakupan at maayos din ang pagkakapwesto ng garden sa bawat gilid. Pati ang mga halaman ay maayos ang pagkaka-trim na animo'y iisang sukat lahat. Napakalinis! Ang ilang bahagi ng lupain naman ay balot ng masiglang kulay ng Bermuda grass. Naalala niya tuloy ang dati niyang tahanan. Kailan kaya niya mararanasan na maging prinsesa ulit at tumira sa ganito kagandang lugar? Na-miss na niyang matulog sa malambot na kutson.
Patuloy ang paglalakbay ng kaniyang paningin sa buong paligid habang mabagal na tumatakbo ang sasakyan sa driveway.
Sa kaliwang bahagi ay nadaanan nila ang garden tea table at sa kanang bahagi naman ay naroon ang puting hammock na nakasabit sa magkatapat na puno ng kalachuching hitik sa bulaklak.
Lalo siyang namangha nang matuon ang kaniyang paningin sa malapalasyong bahay. May dalawa itong palapag na kapareho ng estilo ng modern Mediterranean house. Syempre, kabisado ni Amber ang tawag sa ganoong bahay dahil ganoon din ang estilo ng dati nilang mansion.
'Wow!' Pati lamppost, ang expensive!
Natitiyak niyang lahat ng gamit sa loob ay mamahalin. Naglilikot na naman ang kaniyang isip, pati mga kamay. Hindi talaga siya aalis sa lugar na iyon nang walang madidikwat.
Gusto niya pang malula sa maganda at kakaibang estilo ng bahay na nasa harap niya ngayon. Kaso nang makita niya ang mga armadong kalalakihang sumalubong sa sasakyan ay bigla na lamang nanlambot ang mga tuhod niya. Nakalimutan niyang hindi nga pala siya nagha-house tour. Naroon siya dahil may nagawa siyang kasalanan sa mga ito.
Nag-formation ang mga tauhan sa labas na parang hinihintay ang pagbaba ng isang hari. Mula sa driver's seat ay bumaba ang gwapong lalaki na kanina lang ay minumura siya nang malutong. Pinagbuksan ito ng isang tauhan at binati nang nakayuko.
Sa paraan pa lang ng paggalaw ng lalaki, sa matigas na anyo at matayog na tindig nito ay nagsisigaw na ang kapangyarihan na kahit pagsamahin ang trios ay hindi nila ito kayang tapatan.
Ano'ng klaseng tao nga kaya itong nakaingkwentro niya? Posible kayang katayin siya nito dahil sa ginawa niya kanina? Gang leader ba ito? Criminal? Mafia Don? O sindikatong nagbebenta ng laman ng kababaihan?
'Jusmiyo! Ano ba 'tong pinasok ko?'
Ngayon niya lang napagtanto na hindi pala basta-bastang tao ang tinangayan niya ng wallet! Lihim siyang napahilamos ng mukha. Malas! Ang malas niya!
Tumingala siya sa langit, sa labas ng bintana at nagsimulang magdasal nang mataimtim.
'Lord, patawad. Alam kong makasalanan akong tao. Pero pwede bang humingi ng isa pang pagkakataon? Iligtas niyo Po akoooo!'
Nang akmang bababa si Felix sa kabila ay mabilis din niyang binuksan ang pinto sa tabi niya at akmang tatalon palabas. Sa kasamaang palad ay maagap si Felix na nakabantay lang pala sa mga kilos niya. Mabilis nitong nahawakan ang kwelyo ng suot niya sabay hatak sa kaniya pabalik. Sa lakas ay napahiga siya at bumagsak ang kaniyang ulo sa kandungan nito.
"Tsk. What a romantic scene. Ayos sana kung hindi lang marungis yung babae," iiling na sabi ni Felix habang nakatunghay sa kaniya ang gwapo nitong mukha.
Bumangon siya ngunit hindi pa rin siya nito binitiwan. At habang patuloy siya sa pagpupumiglas ay lalo naman siyang nasasakal dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa neckline ng kaniyang suot.
"Bitiwan mo ako!"
Hindi na natiis ni Hunter ang ingay niya. Lumiko ito sa nakabukas na pinto ng kinaruroonan niya saka siya nito hinarap.
"Where do you think you're going, thief? You think you can escape?"
"Huwag mo 'kong Englisen, baka pati halik nakawin ko sa 'yo! Masyado kang expensive! Spokening dollar!"
Inis itong dumukwang at inilapit ang katawan sa kaniya. Para naman siyang tuta na bigla nang bumahag ang buntot sa paglapit nito. Amoy na amoy niya ang mala-dolyar din na pabango nito. Dumapa ito sa kaniya, itinuko sa magkabilang gilid niya ang mga kamay nito para hindi siya makawala.
Nanigas siya. Paano pa siya makakawala kung katumbas ng pader ang nakakorner sa kaniya? Malapad ang katawan ng lalaki at kayang ikubli ang kabuuan niya.
Ang laki nito!
'Ang laki rin nung nasa baba.'
Ramdam na ramdam niya dahil nakasayad ang gitna nito sa tuhod niya.
"A-anong binabalak mo?"
"Tuturuan ka ng leksyon."
"Ano'ng klaseng leksyon? Abakada ba? Marunong na ako niyan, eh?"
"Math subject tayo ngayon."
"Marunong na rin akong magbilang."
"Kung gano'n, simulan mo nang magbilang ng nalalabi mong oras."
Kumabog ang dibdib niya. Natatakot na siya.
"U-uuwi na ako! Pauwiin niyo na ako. Wala na yung mga humahabol sa atin, diba?"
"Correction. Humahabol sa iyo! Nadamay lang kami," sabad ni Felix na nanatili sa uluhan niya.
Tiningala niya ito. "Kapre, humihinga ka pa pala diyan."
"Anong kapre?" Sinakal siya nito.
"A-aray! S-sabi ko pre! M-magkumpare t-tayo—aghck!"
"Enough, Felix," saway ni Hunter bago pa man siya mag-violet. Binalingan din siya nito pagkatapos. "Nasaan ang phone?"
"A-anong phone?" maang niyang umuubo pa habang hawak ang sariling leeg.
"Hand me the phone."
"Uy, teka lang! Nasa inyo na ang wallet na ninakaw ko, diba? Bakit pati ang cellphone kukunin niyo? Hindi ako nakipagpatintero kanina sa mga bala para—"
Napasinghap siya bigla nang ipasok ni Hunter ang kamay nito sa bulsa niya. Wasak pa naman iyon sa loob kaya tuloy lumusot sa butas ang nangangapang kamay nito at dumiretso ang mga daliri nito sa kaniyang sentrong pandaigdigan.
Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat matapos maramdaman ang pagdampi nito sa kaniyang p********e.
"Anak ng tinapa!" At walang pagdadalawang-isip na sinapak niya ito sa mukha.
"Ugh! Damn it!"
"Don't touch my Pokemon!"
-------------------
--------------