4th chapter

1070 Words
Nanginig ang kalamnan ni Hunter nang maramdaman ang malambot na sentro ng babae. Kaagad siyang pinamulahan. Hindi niya sinadyang makapa pero nangyari at naramdaman pa niyang nagreak ang kaniyang p*********i. Napamura siya sa isip nang mahimasmasan. Ngunit bago pa man niya nabawi ang kamay ay dumapo na sa pisngi niya ang kamao nitong hindi niya inaasahan. Medyo malakas iyon kaya bahagyang naalog ang kaniyang utak at sandaling nakakita ng mga nagliliparang alitaptap. Napahagalpak ng tawa si Felix. "Why did you punch me?!" gagad niya sa babae. "M-manyak ka eh! Pakawalan niyo na nga ako!" Akma itong babangon pero pinigilan ulit ito ni Felix sa magkabilang balikat. "Aray! Ano ba?! Kung ano man ang binabalak ninyo sa akin, hindi kayo magtatagumpay! Over my alive sexy body!" "Hayp na alive-sexy-body 'yan!" natatawang sambitla ni Felix. Nagpumiglas ang babae at pinaghahampas ng mga kamay nito si Felix. "Tuloooong!" Nagsimula na rin itong magwala. Tinadyakan pa siya sa mukha. "Ugh! f**k!" Napaatras siya sa lakas at muntik pang tumihaya. Ang likot-likot nito. At ang ingay! "Tie her up!" gigil niyang utos sa isa sa mga tauhan niya saka binalingan ang kaibigan niyang namumula na ang mukha kakapigil ng tawa. "Felix! Get the phone and look for evidence!" "Aye, captain!" Hindi na niya pinansin ang pang-aasar ng kaibigan. Nagmartsa siya papasok sa kaniyang bahay. Kailangan na niyang umiwas dahil baka makalimutan niyang babae pala ang kaharap niya at masapak din niya ito sa mukha. -------------- ---------- NAPAATRAS si Amber matapos makita ang paglapit ng isang tauhan na may dalang pantali. Sa takot ay napausog siya kay Felix at sinamantala naman iyon ng lalaki para kapkapan siya. "Ano ba?!" gulat niya. Ngumisi ito nang nakakaloko. "Relax. Hinahanap ko ang phone. Ibigay mo na sa akin. Baka kasi iba pa ang makapa ko." Napalunok si Amber habang nakatitig sa pilyo nitong mukha. Ano'ng gagawin nila sa phone? Bakit nila ito gustong kunin? Hindi alam ni Amber ang pakay ng mga ito. Pero ayaw naman niyang mapunta sa wala ang pinaghirapan nila ni Latos. "W-wala na, eh. Nahulog kanina sa kalsada no'ng tu—ahhhh!!! Ano ba?!" Halos manginig siya nang bigla nitong ipasok ang kamay sa butas niyang bulsa. Gusto rin yata nitong makachansing. "Wala diyan! Nasa kabila!" "Good girl," ani Felix nang makuha na nito ang kailangan saka nito ginulo ang kaniyang buhok. "Don't worry, you're not Hunter's type kaya huwag ka nang mag-assume. Haha!" Pinanood niya itong bumaba ng sasakyan. "S-sandali! Paano ako?" Humarap ito sa kaniya. "Hmm, dahil sinapak mo ang kaibigan ko at tinadyakan sa mukha, isang taon kang maglilinis ng kaniyang banyo nang walang matatanggap na sahod. You'll be his slave." "Ano?!" Nanlaki ang mga butas ng kaniyang ilong. Hindi niya iyon matanggap! "Ayoko! Ibalik niyo na ako sa Manila!" "Pasensya na, Miss..."—nakangiwi siya nitong pinasadahan ng tingin bago nagpatuloy—"...Miss maganda pero hindi maganda ang pagkakagawa." Ano raw? "Only Hunter is allowed to give me orders. Siya lang ang sinusunod ko. And whether you like it or not, you'll be his slave for a year." "Ayoko!!!" Lumundag siya mula sa sasakyan at tumakbo. Hinabol naman agad siya ng mga tauhan nito. Kung tutuusin, pwede siyang barilin nina Felix. Pasalamat lang talaga siya at mukhang mas may kaluluwa ang mga ito kompara roon sa mga humabol sa kaniya kanina. Hindi siya magawang saktan ng mga ito. "Open sesame!" buong lakas niyang sigaw pagdating sa harap ng nakasarang gate. Kumunot ang noo niya nang hindi iyon bumukas. "Open sesame!" ulit niya. Pero hindi pa rin bumukas. Nagkamali ba siya ng bigkas? O kulang lang ng lakas? Bumunot siya ng hininga at muling sumigaw, "Open sesame!" 'Tangina! Ba't ayaw bumukas? Tama naman ang pagkakabigkas ko ng password!' "Open sesame!" Tawanan na ang mga lalaki. "Sorry to disappoint you, Miss," si Felix. "Hindi 'yan bubukas dahil na' kay Hunter ang remote." "Ano?" "Matalino man ang manloloko, naiisahan din." Napapikit siya sabay kagat ng kaniyang labi. 'Ang engot! Argh!' "Surrender now, ganda." Nilingon niya si Felix. Bagsak ang mga balikat niya na humarap dito. She offered her hands to them habang ang mga mata ay parang tuta na nagmamakaawa. "Isang taon ba talaga akong maglilinis ng banyo nang walang sahod?" Nagkibit-balikat ito. "Depende. Maligo ka muna baka sakaling maakit mo 'ko at tubusin kita." Minura niya ito. Paungol naman itong bumaling sa mga tauhan. "Pakipot ka pa. Ge! Itali niyo na 'yan, baka tumakas ulit. Sanay pa naman 'yan sa habulan." "Runner ba 'to, boss?" "Matinik na snatcher 'yan. Kaya ingatan ninyo ang wallet at alahas ninyo." Too late for that. May natangayan na siyang isa. _______ PAGKAGALING sa kusina ay nadatnan ni Hunter si Felix na mag-isang nagre-relax sa sala. Inikot niya ang paningin sa paligid bago ito nilapitan. "Nasaan ang babae?" tanong niya. "Nasa kwarto mo." "What?!" Pakiramdam niya ay umabot ng 200 sa isang segundo ang blood pressure niya. "Ano'ng ginagawa niya sa kwarto ko?!" "Pinalinis ko. Hindi mo pa yun napalinisan. May naiwan ka pa roong tamud at bolbol." "Damn it!" Gusto niya itong sapakin. "Alam mo bang magnanakaw yun?!" "Oo naman." "Then why the hell did you let her into my room, you bastard?!" Tila natauhan naman si Felix at sabay pa silang pumanhik sa taas. Naabutan nila ang kwarto na wala nang tao. "s**t! Nawala ang laptop ko, Felix!" "Nawala rin ang picture frame mo, boss. Haha!" Tiningnan niya ito nang masama. "Ano'ng nakakatawa?!" "Wala. Baka lang type ka." "Oh, shut up! Check mo nga dun sa bintana!" Pagtingin ni Felix sa bintana ay naroon nga ang babae, nakalambitin dahil yung kumot na ginamit nito ay hindi umabot sa lupa. May nakasabit pa sa leeg nito, isang bagpack. "You okay darling?" nakangising tanong ni Felix at mabilis itong hinila paangat. Pagkatapos ay itinali nila ito sa kama. "Ano pa ba ang kailangan niyo sa akin?! Pauwiin niyo na kasi ako!" sigaw Amber. Tiningnan ito nang masama ni Hunter at kinuha ang bagpack. "Magnanakaw ka talaga!" Ni-check niya ang laman ng bag, and voila! Naroon nga ang kaniyang laptop at picture frame. "O, nariyan din ang wallet ni Tiago at Ramos?" si Felix na ang tinutukoy ay ang dalawang tauhan nila. Napailing pa ito. "Tsk. Matinik na magnanakaw 'tong nakuha natin, boss." Pagtingin niya ulit sa bag ay nakita niya ang kaniyang mga branded na gamit gaya ng Rolex na relo, Calvin Klein belt at... Brief?! Grrrh! "Felix, ikulong mo 'yan sa basement! Itali niyo at kalbuhin!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD