O! Akala ko ba masama ang pakiramdam mo? Pahinga ka na do'n!" gulat ni Angela. Hindi ito pinansin ni Amber at nagpatuloy sa pangangalkal sa loob ng two-door refrigerator. Naghahanap siya ng pagkaing papasa sa panlasa at pang-amoy niya. "Ano bang hinahanap mo? Ako na ang magdadala sa kwarto mo," sabi ni Angela habang lumalapit sa kanya. "Siyanga pala, may schedule ka ngayon, ah?" dagdag nito. "Schedule sa ano?" tanong niya sabay harap at may hawak nang isang plastic container. "Online class mo. Check mo ang phone mo, may reminder ka doon." Umingos siya. No'n niya lang naalala na Lunes nga pala. Pinabago niya nga pala no'ng isang linggo ang schedule ng kaniyang session, mula alas nuwebe ng umaga ay naging alas onse hanggang alas dose ng tanghali. Isang buwan na mula no'ng pinag-aral s

