Napasinghap si Amber matapos hablutin ni Tope ang kaniyang phone. "Tapon na natin 'to. Ibibili na lang kita ng bago." Bago pa man siya makapagreak ay nai-shoot na nito ang phone sa isang dustbin na nakatago sa sulok. "Tara sa loob. Nandoon sina Latos at Angela, hinihintay ang pagdating mo." Hinila siya nito papasok sa isang pinto sa garage, diretso iyon sa main kitchen. Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod dito. Nilingon pa niya ang phone nang may panghihinayang. Ni hindi man lang niya iyon na-off. Ni hindi man lang niya nakausap nang mas matagal si Hunter. Na-miss niya ito, oo. At gusto niya pa sanang marinig ang boses nito kahit na masakit sa puso na mapakinggan ang pagmamakaawa nito. "Ate Amber!!!" tili ni Angela pagkakita sa kaniya. "Angela!" Napalitan ng tuwa ang dinaramd

