A-Amber, p-pwede ka bang... T-tumawag ng ambulance?" mayamaya'y pakiusap nito. Ang mga mata nitong namumungay ay nagmamakaawa na. "P-please, wife?" Napalunok na naman siya, nagsimula nang gapangan ng takot at lumalala na konsensya. Dahan-dahan siyang tumayo at nilapitan ito. "Hunter, a-ano'ng mangyayari kapag hindi ka agad naitakbo sa hospital?" Hindi ito sumagot. Dahan-dahan itong sumandal sa backrest na tila pagod na pagod. "C-call the ambulance, please..." Napasinghap siya nang makitang bumagsak ang kamay nito. Pakiramdam niya ay nag-akyatan mula paa hanggang sa kaniyang bunbunan ang nerbyos. "T-tatawag ako ng tulong. Tatawag ako ng tauhan mo, ok?" Tatalikod na siya nang bigla siya nitong pigilan sa kamay. Napalingon siya rito na halos wala nang lakas na humawak sa kaniya. Is

