"Seven, cook Bicol Express later for lunch," ani Hunter sa kaniyang 40 years old na personal chef. Natigilan ito sa ginagawang dough para sa pizza sa mga tauhan, at gulat na napatingin sa kaniya. "Sir, bawal po sa 'yo—" "It's okay, Seven. Asawa ko naman ang kakain." Tumango ang tagaluto. "Pero, sir. Bawal kahit tikim, ha?" "I know. Pero kung hindi ko talaga matiis, may mga gamot naman ako sa kwarto." "Sir..." "Impress my wife, Sev. Sarapan mo," sabay ngiti niya. Napailing na lamang si Seven. _____ ____&& LUNCH TIME Habang nasa baba si Hunter ay nagmadali namang magkalkal si Amber sa closet ng kaniyang asawa. May mga dinampot siya roon at itinapon niya sa banyo. Ginupit niya ang iba at ni-flush naman sa bowl ang iba. Pagkatapos ay naligo siya na parang walang nangyari at nagbihis

