~Warning: Medyo SPG "May tumawag?" tanong nito habang pinaglalaruan ang kaniyang pusod. s**t! Ang bilis namang nakapasok ng kamay nito sa ilalim ng kaniyang pantulog. "Ahm, o-oo," nanghihina niyang tugon at pinipigilan ang sariling makiliti. "Sino?" Biglang sumeryoso ang mukha nito habang hinihintay ang kaniyang sagot. "S-si mommy Salem." "Ano'ng sabi?" Lumunok siya. "Pupunta raw tayong Palawan? Tapos sa Singapore?" Umangat ang sulok ng mapulang labi ni Hunter. "Oo nga pala. Nakalimutan kong banggitin sa iyo. What else?" Sasabihin ba niya? "K-kuwan... Y-yung tungkol sa apo..." Suminghap si Hunter. "Anong sinabi mo?" Muli siyang napalunok. Sa halip na sumagot ay tinitigan niya ito. "Amber?" anitong hinihintay ang kaniyang sasabihin, pero nanatiling tikom ang kaniyang bibig.

